//
you're reading...
Opinions, Society

Pangongopya sa Eskuwela: Ang Dulot Nito sa Lipunan [At Side Notes Ukol sa MMSU e-Jeep at The He(a)rd Mentality]

Katatapos lang ng periodical exam ng karamihan ng mga paaralan sa buong Pilipinas. Para sa mga mag-aaral ng isang paaralan na may special curriculum, tulad ng Science curriculum, tapos na ang paghihirap. Paano naman kasi, sa aming paaralan, 10 subjects na pagkahirap-hirap at nakaka-nosebleed sa loob ng apat na araw ang kailangang ipasa! Talagang nakakawala ng ulirat. (Huwag kang mag-alala; hindi ako nawalan ng malay.)

At kasabay ng mga ganitong pagpapahirap ay ang paglaganap ng mga bespren system at mga nagkanda-iba-ibang seating arrangement na sa mga eksamen lamang naaayos. At ang mga pagtingin sa gilid at sa tabi. At pagsulyap sa sagot ng katabi.

In short, pangongopya.

Cheating

Pangongopya sa exam: Puwedeng may mga long-term effects ang pandaraya sa eksam. Larawan mula sa Getty Images.

Hindi mapagkakaila ng mga taong naging estudyante sa isang bahagi ng kanilang buhay na may mga ganitong pangyayari sa bawat klasrum, sa bawat paaralan. Walang batch sa bawat paaralan na hindi nagkokopyahan. Sa bawat paaralan ng Pilipinas, may mangilan-ngilan na sumusulyap-sulyap sa kapitbahay niyang kaklase na animo’y tumitingin lang ng masama.

Tila ba hindi na mai-aalis ang kanser na ito sa sistema ng pag-aaral sa ating bansa. May mangongopya at mangongopya pa rin sa kasa eksam. Kaya rin siguro nagkakanda-cheche-bureche ang Pilipinas. Ang ating pangangailangan, a, eh, gawaing pangongopya sa paaralan ay nagagawa na natin maging sa atin mismong mga buhay.

Dahil sa pangongopya, masyado tayong sumasandal sa ating kapitbahay. Kumbaga, yung katabi mo kapag may test ay ang iyong lifesaver, ang iyong Ask the Audience sa Who Wants To Be A Millionaire (gawin natin kayang Who Wants To Be A Kopyanaire?). Nagkakaroon ng dependence sa kaklase. Sa kanya mo iaasa ang iyong mga sagot sa eksam, at pati sa mga takdang-aralin (Kapag nakalimutan kong gawin, nangongopya ako ng assignment!). Hindi tayo mabubuhay kapag wala ang ating katabi sa eskuwela. Dito natin natututunan ang dependence on others. (Values Education ba ‘to?)

At dahil sa pagdepende sa iba kapag may pagsusulit, hindi tayo nakatatayo sa ating mga sariling paa. Tignan mo ang mga mag-asawang parehong walang trabaho at walang magawa sa buhay na nakikitira sa magulang. Hindi ko naman sinasabing masama ang pakikitira sa magulang, lalo na kung wala pang naipapatayong bahay ang mag-asawa, ngunit ito ay isang malinaw na pagpapakita ng pagdepende sa iba.

Mahilig tayong mga Pilipino na mangopya. Huwag i-deny. Mahilig tayong manggaya ng boses ng iba, ng pananamit ng iba, ng pamumuhay ng iba. Tulad nang tulad, katulad ng pagtulad sa sagot sa katabi. Eksakto. In toto. In its entirety. Matiyaga! Matiyagang mangopya. Dahil sa colonial at crab mentalities ng tao, gaya ng gaya ang tao. Narito ang isang klasik na halimbawa ng pangongopya ng Pilipino.

 

Pilipinas Kay Ganda logo
Pilipinas Kay Ganda: Kinopya mula sa Poland.

Siguro kulang pa ang aking mga dahilan kung bakit maaaring may dulot sa lipunan ang simpleng pangongopya sa eskuwela, ngunit alam kong nakuha niyo naman ang mga punto ko: [1] ang simpleng pangongopya sa paaralan ay maaaring magbigay ng mindset na pag-asa sa ibang mga tao para sa pansariling kapakanan at interes; [2] we will live up our copying life.

Hindi ako nagmamalinis; nangongopya rin naman ako kapag nakalimutan kong gawin ang aking mga takda. Ngunit bihirang-bihirang-bihira akong mangopya kapag eksam. Ngunit, hanggat magpapatuloy ang problemang ito ng mga guro at kasiyahan ng mga estudyante, may mga basic na problema pa ring mananatili, at may mga estudyante pa ring ma-su-suspend.

~//~//~//~//~//~

RANDOM SIDE NOTES:

MMSU e-Jeepney

MMSU e-Jeepney: Isang bagong mode of transportation sa MMSU. Larawan mula sa MMSU Facebook fan page.

Ang MMSU e-Jeep: Kung kasama mo akong naglalakbay sa kabihasnan ng Ilocos Norte na tinatawag na Mariano Marcos State University, siguro nakita mo na itong bulinggit na sasakyang ito. Ito ay ang MMSU e-Jeepney. Isa itong bagong mode of transportation sa pamantasan. Ang ruta nito ay parang sa mga ikot sa UP. Sa halagang limang piso lamang (oo, limang piso!), maihahatid ka sa kung saan mang punto ng kampus – mula sa College of Health Sciences hanggang Main Library at Co-Ed’s Dorm!

Para sa mga estudyante at mga empleyado ng MMSU, ito ay isang malaking tulong para sa kanila. Dahil sa murang pamasahe nito, maiiwasan na ang hindi pagbabayad ng doble sa mga abusadong tricycle drivers. Kaya naman nangangamba ang mga traysikel dito.

Sa ngayon, may dalawa nang e-Jeep ang Mariano Marcos State University. Ang proyektong ito ng pamantasan ay isang eco-friendly, at student- at employee-friendly. Sana’y dumami pa ang mga ganitong jeep. Kaya nga lang, sa pagdating ng araw na darami ang mga ganito, wala na ako sa MMSU Science High School.

The He(a)rd Mentality: Sir Herdy Yumul's new book.

The He(a)rd Mentality: Ang bagong aklat ni G. Herdy Yumul

The He(a)rd Mentality ni Sir Herdy Yumul: Kahit na periodical exam noong Huwebes, Enero 20, nakahabol pa rin ako sa book launch ng The He(a)rd Mentality na sinulat ng Social Science teacher ng MMSU, kolumnista ng The Ilocos Times at awtor ng blog na Riknakem, si Sir Herdy Yumul. Inimbita niya ako sa book launch sa pamamagitan ng  Facebook. (“will try to have you excused in the pm” – parang ganito ang sinabi niya sa akin) Periodical exams ang launch date kaya muntik na akong nag-alinlangan. Ngunit dahil sa ito ay isang bihirang pagkakataon, pinilit ko talagang pumunta.

Nakarating ako sa University Training Center bandang alas-4.15 ng hapon, at masuwerte akong may mga kopya pa ng aklat at naroon pa rin si Sir Yumul at pumipirma ng autograph. Kaya naman nagpa-autograph na rin ako.

Ang aklat ay nagkakahalaga ng P250 noong book launch. May kasama na rin siyang bookmarks (Ang ganda ng bookmark, lalo na yung shining shimmering widening forehead side!) at dalawang stubs na puwedeng gamitin upang makakain ng siyete-tres sa harap ng MMSU High School gate! Ayon sa mga naka-usap ko noong bumili ako ng kopya ng aklat, nabanggit sa akin na P300 na ang libro kung bibilhin sa 5 Sisters.

Kung kayo ay mahilig sa mga sanaysay na tumatalakay sa mga isyung kailangang pag-usapan o mga isyung kaunti lamang ang nangangahas na talakayin, ito ay isang must-read.

 

My Autographed Copy of The He(a)rd Mentality.

My Autographed Copy of The He(a)rd Mentality.

Discussion

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

@itosiGuienGarma on Twitter

  • David Letterman on Academy Awards: For best short [film], The Kardashian Wedding. 6 hours ago
  • The music video of "DoTA o Ako" is getting viral. Ang kapansin-pansin, it seems to be produced by radio DZRH's television channel. #anyare? 1 day ago
  • #HeadlineTweet: TV5: Student stabs schoolmate after rumors spread about girlfriend's sexuality. / Anyare sa kabataan ngayon? #haynaku #fb 2 days ago
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 130 other followers