//
you're reading...
Opinions, Society

Pinag-isipan pa ba ng GMA7 ang Nita Negrita?

[PRESCRIPT: Salamat sa kamag-aral kong si Rio Reyes. Kung hindi dahil sa tweet mo patungkol sa teleserye, hindi ako makakagawa ng isa pang essay.]

Pinag-isipan ba talaga ng GMA ang bago nitong palabas na Nita Negrita?

Oo, yan ang tanong ko. Iyan din ang tanong ng iilan na nag-iisip kung may makabuluhan pa bang mga palabas sa telebisyon, bukod sa mga educational pero boring na dokumentaryo sa mga istasyon ng gobyerno na NBN4 at IBC13 at mga balitang nakakapagpataas ng morale sa TV Patrol.

Ang bagong palabas ng GMA7.

Ang bagong palabas ng GMA7.

May bagong Valentine offering ang GMA7, ang himpilan ng mga kapuso. Ito ay isang teleserye na Nita Negrita. Ang teleseryeng ito ay pangungunahan ng mga batang magkasintahan sa telebisyon [sa simpleng pananalita: love team] na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, aka yung mga nasa palabas na First Time. Kaya nga lang, hindi daw masyadong love story ang telenobelang ito.

Sa naturang palabas, gaganap si Barbie bilang Nita, isang anak ng African-American. Kaya naman, kinakailangan niyang ma-make-up-an ng maitim. Base sa mga teaser na ipinapalabas sa channel 7 [o channel 5 nu taga-Ilocos Norte ka a kas kaniak], tila mas madrama ang teleseryeng ito sa mga dating palabas ni Forteza. Naroon pa rin ang mga usual na may-bida-at-kontrabidang-mag-aagawan-sa-iisang-lalake storyline.

Kung talagang madrama ang palabas na ito, siguradong ito ay isang tear-jerker. Ngunit tignan natin nang maigi ang pamagat.

Nita Negrita. Nita Negrita. [insert echo here, para dramatic effect]

Sa tingin ko ito ay isang mapaghusgang pamagat. In English. O in Inglis. The title seems to be a judgmental title that is based on prejudice. Ang totoo niyan, hindi ko masyadong pinansin ang pamagat nito nang ipalabas ang teaser sa TV dahil nakatuon ang aking atensyon sa ibang bagay. Ngunit nang nag-tweet ang aking ka-eskuwela ukol sa pamagat [RT @waybeyondfear: Nita Negrita? wtf are you doing, GMA? that's racism.], napansin ko ang mapaghusgang pamagat.

Sabihin na natin na magandang-maganda ang plot ng teleserye. Sabihin nating perpekto ang konsepto at pag-arte ng mga aktor at aktres sa proyektong ito. At sabihin nating totoong tatabo ito sa ratings. Ngunit kung tutuusin, tila hindi nararapat ang pamagat kung ang mga nabanggit natin kanina ay ang mismong mga katangian ng naturang palabas. Pag-isipan. Mataas ang kalidad, ngunit mapanglait ang pamagat?

Kung may kapitbahay kang parang alien, tinawag mo siguro siya na Kokey. Kung may kaklase kang bakla at mukhang kabayo [lumelevel kay Vice Ganda], tinawag mo siguro siyang Petra. Ok, Peter, para sosyal. Sa mga matanda naman, tinawag na ninyo siguro na Dabiana ang mataba ninyong kapitbahay, lalo na kung kinagagalitan ninyo. Aminin ninyo, nangyayari ang mga ito. Dito natin makikita ang kapangyarihan ng mass media sa panlalait ng tao sa lipunan.

Marami nang palabas sa telebisyon at pelikula ang tumalakay sa mga pisikal na pagkukulang ng mga tao, at ang mga ito ay pinagtawanan sa harap ng mga malalaking TV screen o sa mga de-aircon na sinehan. At ito ay pinagkakitaan ng mga nasa industriya ng entertainment. Dahil sila ay kasama sa mass media, at dahil malakas ang hatak ng mass media sa pag-impluwensiya ng opinyon, kuro-kuro, at pananaw ng lipunan, nagagamit na ring pangungutya ang mga pangalan ng mga karakter at ang mismong mga pamagat ng mga palabas. Tulad nga ng sabi ko, malamang tinawag mong Kokey ang kapitbahay mong parang galing sa Mars.

The Filipino culture is not just full of colors. It is also full of partial judgments and prejudice against others. Maraming mga tao ang mapanghusga sa kapwa na animo’y alam ang lahat. Marami sa atin ang mapanglait. Marami ang nanlalait sa magkakadikit ang paa. May mga manlalait sa mga taong may albinism. May mga taong manlalait pa rin sa mga espesyal na bata. May mga taong nanlalait pa rin sa mga masyadong maitim ang balat, tulad ng karakter na gagampanan ni Forteza sa Nita Negrita.

Kaya ang tanong ko ngayon: Pinag-isipan pa ba ng pamunuan at production staff ng GMA Network ang pamagat ng naturang palabas? Alam kaya ng himpilan na magiging basehan ng panunukso ang pamagat na Nita Negrita? Hindi ba nawari ng channel 7 na lalo lamang lalala ang prejudice laban sa mga maitim na tao, may lahing African-American man o wala, dahil lamang sa maikli ngunit mapanlait na pamagat ng teleserye? O wala silang paki-alam sa social vibe, mga pananaw ng tao, at iba pang mga pangyayari sa lipunan upang makita kung karapat-dapat ang kanilang mga desisyon patungkol sa kanilang mga palabas dahil ang mahalaga lamang sa kanila ay ang ratings at ang kanilang kita na nanggaling sa kanilang mga advertisers?

Ngunit kung titignan sa isang mas malaking perspektibo, hindi lamang sa GMA7 dapat itanong ang aking tanong. Maaari rin nating palakihin ang konteksto ng tanong. Pinag-iisipan pa ba ng mga media conglomerates kung may mga iba pang epekto ang kanilang mga palabas – teleserye sa TV man o pelikula – sa lipunan, maliban sa pagpapasaya sa mga tao? Sige, alam nating layunin ng industriya ng showbiz na magbigay-aliw sa mamamayan, ngunit hindi ba tinitignan ng mga nasa industriya na maaaring may iba pang epekto ang kanilang palabas?

Dismayado ako sa pamagat ng bagong palabas na ito. Wala na akong pakialam kung maganda o pangit ang teleseryeng gagampanan ng dalawang artistang kapwa ko kabataan sapagkat ito ay i-eere sa hapon, sa oras ng klase ko. Husgahan na lamang ng mga mahilig sa afternoon teleserye at maging mga may kinikilingang showbiz reporters/columnists/”journalists” ang palabas. Ngunit, sigurado ako na kung titignan sa ibang perspektibo, ang pamagat na Nita Negrita ay hindi nararapat sa isang lipunang may hindi maganda at immature na pananaw ukol sa mga taong iba ang kulay ng balat.

At sigurado akong ang pangalang Nita Negrita ay idaragdag sa listahan ng mga pangalang puwedeng gamiting panlait. O, ano, pinag-iisipan mo bang tawaging Maria Negrita ang kapitbahay mong si Maria?

Advertisement

Discussion

5 Responses to “Pinag-isipan pa ba ng GMA7 ang Nita Negrita?”

  1. I agree with what you wrote 100% about Nita Negrita, its obviously racist and the cycle of putting up shows such as this has to stop.

    The Filipino culture is not just full of colors. It is also full of partial judgments and prejudice against others. >Korek!

    ang nakakainis lang deadma lang ang GMA sa obvious na issue na its RACIST, its BLACKFACE- the whole concept of this show is twisted and rooted on ignorance and bigotry :(

    Posted by Viv | February 14, 2011, 12:43 am
    • Just read your blog. Indeed, it is politically incorrect, er, racism. Everyone knows that Filipinos indeed have prejudice against black people and have stereotyped them. Then here comes channel 7 with a teleserye that has a racist title.

      Posted by guiengarma | February 22, 2011, 10:24 pm
  2. go barbie galing mu pong umarte !!!!!! more shows to come!!! pati kay joshua !!!! ganda mo barbie!! cute k p!!! GO JOSHBIE!!!!! SANA MERON DIN KAUNG MOVIE UNG PNG VALENTINE!!!!

    Posted by CARLA | February 21, 2011, 4:47 pm
  3. shows like that only encourage its viewers to think less of themselves because of their ethnicity. worst of all, it encourages them to DISCRIMINATE against people who are not “white enough.” encouraging ignorance to ignorant people is overkill.

    Posted by utakmunggo | June 23, 2011, 11:19 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

@itosiGuienGarma on Twitter

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 130 other followers