Shut Up? Isang Bukas na Liham Para Kay Daniel Padilla

Dear teen heartthrob Daniel Padilla,

Magandang araw!

Tulad mo, ako’y isang millenial. Hindi man kasingguwapo mo, pareho tayong nasa edad kung saan tayo’y idealistic sa mga bagay-bagay sa mundo. Nasa edad tayo kung saan nahuhulma ang ating mga prinsipyo sa buhay.

Maraming humahanga sa iyo bilang teen king ng Philippine television. Karamihan nga sa mga tagahanga mo ay mga kabataan, ang sinasabi ni Gat Jose Rizal na “pag-asa ng bayan.”
Hindi rin naman lingid sa aming kaalaman na bukod sa pagiging maimpluwensiya sa mga kabataan ngayon, may ineendorso kang mga kandidato ngayong halalan.

Ayon sa ulat ng Rappler, sinabi mo sa mga reporters sa isang event, and I quote:

“‘Di naman pwede tayo salita nang salita and hindi mo naman alam nangyayari sa eleksyon. Marami kasi nagmamagaling sa eleksyon, hindi naman botante, so shut up ka na, hindi ka naman botante.”

Nakakagulat. Nakakagalit. Nakapanghihinayang ang iyong sinabi.

Nakakagulat para sa isang taong nag-eendorso ng kandidato na sabihing dapat mag-“shut up” ang mga hindi rehistradong botante. Siguro nga, may mga nagmamagaling nga sa kanila. Pero ‘pre, demokrasya tayo. All voices matter sa ating porma ng pamahalaan, ke tunog matalino o tunog bobo. ‘Yan ang sistema na meron tayo, e. Porke ba’t hindi rehistrado, wala na siyang say ukol sa bansa natin? Bakit naman?

Tandaan mo, DJ, may halos 100 milyong Pilipino na sa ating bansa. Halos 55 milyon sa mga ito ang nakarehistro para bumoto. Paano naman ang bahagi ng natitirang 45 milyon na kahit nasa tamang isip na para makialam sa mga nangyayari sa ating bayan, ke nagmamagaling o tunay na concerned para sa ating bansa? Shut up na lang sila? Tinatanggalan mo sila ng karapatang magpahayag?

Oo, naiintindihan ko naman ang konteksto ng sinasabi mo. Manahimik ang mga nagmamagaling na hindi naman botante. Pero bahagi pa rin sila ng ating pambansang diskurso, ke ayaw mo o gusto.

Nakakagalit isipin na bilang modelo sa mga kabataan – lalo na sa mga wala pa sa legal na gulang para bumoto, na sasabihin mong ang hindi registered voter, dapat mag-“shut up.” Hindi mo ba naisip na may tsansang sa mga umiidolo sa iyo, lalo na sa mga kabataang idol ka, may mga kahit hindi rehistradong botante e kahit papaano’y may pakialam sila sa patutunguhan ng ating bansa ngayong darating na halalan? Nakakagalit na ang isang tinitingalang role model ng kabataan ang siya pang magpapalaganap ng apathy sa ating bayan, partida pinalaganap mo pa ito kung kailan dapat ay mas masidhi nating nilalabanan ang apathy na iyan.

Dahil dito, nakapanghihinayang na imbes na nagamit mo ang iyong impluwensiya upang mahimok ang mga sinsasabi mong nagmamagaling para palawakin pa ang kanilang mga isip, e pinatahimik mo na lang sila. Hindi mo man sinasadya, para mo na ring pinatahimik ang mga taong kahit walang pagkakataon na maging bahagi ng proseso ng botohan ay may pagnanasang mapabuti ang ating bansang minamahal.

Imbes na sabihan sila ng “Shut up,” imbes na patahimikin mo sila, dapat nga hinihikayat mo sila na paangatin ang kanilang diskurso. Himukin ang mga nagmamagaling na huwag makuntento sa mga naririnig at nababasa nila. Himukin ang mga hindi rehistradong botante para sa halalan ngayong taon na magparehistro para sa susunod na halalan sa 2019.

Maimpluwensiya ka, DJ. Alam kong alam mo yan. Alam kong may mga mahihikayat ka. Pero anong nangyari? Sinabihan mong manahimik ang mga nagmamagaling pero hindi naman rehistradong botante.

Oo, kung minsan, nakakarindi ang mga rindi ang ilan sa ating mga kabababayan dahil sa mga opinyong salungat sa ating sariling mga tindig ngayong halalan. Pero, DJ, mas maigi na ring mas maraming boses ang naririnig kaysa naman ang buong sambayanan ay nananahimik dahil sinabihan sila ng kanilang pamahalaan na “Shut up.” Kaya nga tayo demokraysa.

Nasa iyo na ang lahat, kabilang na ang malawak na impluwensiya sa mga kabataan at pati na rin sa kalakhang mamamayan. Himukin mo ang ating mga mamamayan na mag-ingay para sa kanilang kapakanan, isigaw ang kanilang mga tindig, at mahalin ang ating lupang sinilangan.

Malakas ang appeal mo, lalo na sa mga pag-asa ng bayan na umiidolo sa ‘yo. Himukin mo sila na huwag lang makinig ng mga kanta mo, tangkilikin ang mga pelikula niyo ni Kathryn, at mag-marathon sa mga luma niyong palabas sa Internet. Himukin silang makisama sa diskusyon ng ating demokrasya. Marami ang mahaahtak mo, pangako sa ‘yo.
Lubos na gumagalang,

Isang kapwa millenial na mukhang nasa kanya ang lahat ng kamalasan sa lablayp.

Buti ka pa, swerte mo kay Kathryn.

[Cover photo mula sa Rappler.com, kuha ni Manman Dejeto.]

Does RB owe us credibility?

Noong una, akala ko joke lang na kasama si Ramon Bautista sa Liberal Party Christmas station ID. Pero hindi; kasama nga siya sa video.

Tapos inisip ko, baka may kahibangang purpose ang pagpayag ni RB na sumama sa video. Sa episode ng Kontrabando kung saan pinagtawanan ni Bautista, kasama ang ibang mga “co-anchors” (pansinin ang quotation marks), sinabi nila na [non-verbatim] “Pag nakaharap mo si Sec. Mar, ganunin mo din. *fistbump*”

Baka ang pagsali ni RB sa political ad na yun ay bahagi ng isang grand scheme: Matutupad ng tropang Kontrabando na maka-fistbump si Mar.

Pero lumilitaw na kay Mar na nga ang boto ni Ramon.

Nakakabugnot isipin na ang isang taong kinutya ang mga pinaggagagawa ng isang pulitiko ay biglaang magiging endorser nito. Hindi na raw kapani-paniwala si RB.

Pero saglit lang. Does Ramon actually owe us credibility?

Tandaan natin na sa kabila ng pagiging output ng News5, ang news division ng TV5, ang Kontrabando, ang Internet show na ito ay isang porma ng pagpapatse-patse ng maraming popular culture at political references. Isang katatawanan ang Kontrabando. Ang mga “anchors” ng programa ay hindi naman mga anchors in a journalistic sense; maihahalintulad mo sila kina Jaime Fabregas at Ces Quesada, na mga “anchor” ng The Sic O’Clock News sa dating IBC-13.

Mala-The Daily Show ang bira ng Kontrabando, kung iisipin: pekeng newscast, satirikal na pagtingin sa mga isyu ng lipunan. Pero si Jon Stewart, ang naging host ng TDS, ay naging isang malaking puwersa sa larangan ng pulitika. Sa katunayan, lumabas sa isang pag-aaral na ilang mga kabataan ang mas naniniwala kay Stewart kaysa sa mga tunay na anchor sa network newscasts. Hahantong tayo sa tanong na: Maihahalintulad ba natin si RB kay Jon? Malaking puwersa na ba sa pulitika si Bautista BAGO pa man siya naging endorser ni Mar?

Lahat tayo, may kanya-kanyang bet para sa pagkapangulo. To each his own, kumbaga. Pero hindi malilingid sa ating kamalayan na minsan, may isang komedyante na naging satirical news anchor na mula sa pagiging primerong kutyador ng isang pulitiko, ay naging endorser niya bigla.

Do You Really Feel the Wind? The Windmills of Ilocos Norte

[The following is a term paper that I wrote for STS 1 (Science, Technology, and Society), University of the Philippines Los Baños, 2nd semester AY 2014-2015.]
The world faces the problem of finding new energy sources. As supplies of fossil fuels are limited, there is a focus on finding sources of renewable energy. With renewable energy, we can produce electricity and, at the same time, the damage to the environment is minimal, if not none at all.

One of the emerging sources of renewable energy in the Philippines is wind power. This is evident in the establishment of windmill projects spanning three municipalities in the province of Ilocos Norte.

The province, situated in the northern tip of Luzon island, is now being coined as the renewable energy capital of the country because of the nationally famous windmills.

The windmills in Bangui, situated in the Bangui Bay shores, is operated by Northwind Power Development Corporation. The new windmill project in Burgos town, located in a mountainous area spanning three barangays, is operated by the Energy Development Corporation. There is another windmill project in Caparispisan village in Pagudpud, the northernmost town of Ilocos Norte. This is operated by AC Energy Holdings, which is affiliated to the Ayalas.

A lot of electricity is produced in these windmill projects. The Pagudpud project is expected to produce 81 MW of power (Reyes, 2014). The Burgos project, meanwhile, can produce 150 MW.
These windmills are computer-operated and maintained. These windmills can also orient themselves to the direction of the wind on their own (Jimeno, 2007).

Before proceeding with the paper, it has to be disclosed that this writer is from the province of Ilocos Norte. This allows the writer to give a local perspective on the windmills that are an awe for people from other parts of the country.

Gains: Green Energy, Tourism

Supporting these investments is Republic Act 9513, or the Renewable Energy Act of 2008. The law “prioritizes connections to the grid for electricity generated from emerging renewable energy resources, and the purchase and transmission of and payment for such electricity by the grid system operators.” (Adriano, 2014)
Since wind energy is a form of renewable energy, it is definitely environment-friendly. As the US Department of Energy (2011) says, wind power “is an indigenous, homegrown energy source” and is “an inexhaustible renewable energy source.” This means that wind will always be there to power the windmills, unlike fossil fuels, which are finite and exhaustive.

In 2005, then Ilocos Norte Governor Ferdinand Marcos said that the province is now “oil-efficient;” because of the windmills, the province relies less on non-renewable power. He was quoted by The Ilocos Times’ Leilanie Adriano as saying (2005):

Ngayon halos lahat ng kuryente ng probinsiya doon nanggagaling. ‘Yung peak na 24 MW during evening ay nakakaya na ng windmill. So, hindi na tayo bumibili (Presently the province’s whole power supply is generated by the windmill. The province’s peak demand of 24 MW during evenings can now be supplied by the windmill). So if anything, Ilocos Norte is the most oil efficient province in the Philippines because when the windmill is running and providing the maximum output, then we are not buying anything from Napocor.

The windmill projects have also provided jobs to the locals. As reported by the Philippine Center for Investigative Journalism’s Jaileen Jimeno (2007), Northwind hired people in the locality to maintain some of its facilities, such as the power substation and electricity cables.

The windmill projects have also given rise to another industry: tourism. A lot of tourists flock to these windmills to see its enormity. In 2006, then Bangui Mayor Wilfred Garces said that on an average, 200 visitors come to the town to visit the windmills. He also added that most of these visitors are students on field trips (Adriano, 2005).

But Do We Really Reap Supposed Benefits?

Despite being the home of three large windmill projects – and despite claims that these windmills will make Ilocos Norte lessen its dependence on non-renewable energy, at present, contrary to what people outside of the Ilocos provinces know, Ilocanos are actually not getting much of their electricity from these windmill projects.

It was cited earlier that former Governor, now Senator Bongbong Marcos said that almost all of Ilocos Norte’s energy needs is supplied by the windmill projects. But that was in 2005.

A lot of people outside Ilocos Norte think that because the province boasts of its windmills, electricity rates in the province are definitely lower. But, no, it is not. Even the province’s power retailer admitted multiple times that not much benefits yet from these windmill projects in terms of actual electricity are felt in the province.

INEC officer-in-charge Engr. Felino Herbert Agdigos told The Ilocos Times’ Dominic dela Cruz (2014) that the electricity generated from the Bangui windmills are actually directly sold to the Wholesale Electricity Spot Market (WESM). The same Ilocos Times report revealed that 90% of INEC’s power supply is from San Miguel Energy Corporation; their contract lasts until 2016. The rest is sourced from WESM.

The same explanation was also given in a radio program of the Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC). In 2013, the late William Marders, INEC public information officer, said that they are not getting any electricity supply from these windmill projects yet. He added that the power generated by these projects go directly to the Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

More recently, Dr. Mario Marasigan of the Department of Energy espoused the following explanation during a press conference of the Asia-Pacific Economic Cooperation committee on new renewable energy, part of which was broadcast on ABS-CBN Laoag’s TV Patrol Ilocos (2015):

As you may know, all the generation of your wind farms are supposedly to be exported to the main grid down to Manila because all Filipinos … are assumed to utilize wind energy generation, and share also the costs…

This means that the electricity provider for the province of Ilocos Norte is directly getting none of the energy produced by the windmills. However, as DOE’s Marasigan explained, it is shared throughout power consumers aligned to the Luzon grid.

The Ilocos Times, in its May 28, 2006 editorial critical of INEC’s overcharging (which was discovered by the Energy Regulatory Commission that year), argued “The highly touted windmills—which was earlier thought to bring down power rates in the province—is serving more as a tourist attraction than anything else. Power rates in the province remain to be among the highest in the country…”

Also, the build-up to the new windmill project in Pagudpud was met with flak from several residents of Bangui. In a report by The Ilocos Times’ Leilanie Adriano (2014), the transmission towers built for the project, connecting the Pagudpud windmill farm to the Luzon grid, “violated their property rights and endangered their families.”

In fact, a November 24-30, 2014 The Ilocos Times report revealed, during the launch of the Pagudpud windmills of AC Energy Holdings, about 15 families protested and asserted that their rights were breached after transmission lines and towers were installed within the vicinity of their homes, causing undue risks to them.

In Malasin village in Bangui, at least 18 families were affected, a separate report in the same paper’s November 17-23 issue revealed. Several homes in Abaca and Dadaor villages in the same town were also affected.

However, the provincial government seemed to find a way to still benefit from these windmills. In the same APEC press conference cited earlier, Ilocos Norte Governor Imee Marcos said that corporate social responsibility is important in these areas. The CSR projects of the companies operating these windmills should benefit the people affected by these projects.

Meanwhile, in terms of efficiency, summer months could be a problem for the wind farms. Jimeno (2007) reported that the windmills are not able to produce electricity during the hot months, as the speed of wind ranges from zero to 3.5 m/second.

So, What Now?

Given all these, the argument – if not propaganda – that the windmills of Ilocos actually benefit the people of Ilocos is questionable, if not an outright lie. Until the Ilocos Norte Electric Cooperative is finally able to buy power directly to these power plants, then that will be the time when we will be able to say that the people of Ilocos Norte are directly benefitting from the enormous windmills.

However, to reject or downplay the other benefits of these wind farms is unjustifiable. People in the locality are offered jobs by the companies maintaining these windmills. Others, meanwhile, in the municipalities of Bangui, Burgos, and Pagudpud are able to sell hand-made souvenirs and other local goods to tourists who are flocking the area. These windmills made Ilocos Norte one of the most sought after tourist destinations in the country.

It cannot be denied that wind energy is a good form of energy production because it is renewable. Given the scarcity of fossil fuels for energy production and consumption, there is indeed a need to produce energy from sources which are not exhaustive in terms of extraction; definitely, wind energy is one of them.

As a developing nation, the Philippines should be able to harness renewable energy sources. When we use non-renewable energy sources, in a way, we are at the mercy of countries who are able to produce energy from these non-renewable sources. This is why hydro-power, natural gas, solar power, and wind energy projects emerge in our country.

Still, the current situation begs the question: So, what now?

In the case of the windmills of Ilocos Norte, the real benefits of wind energy are yet to come.

So what if the windmills are there already? Ilocanos can pride themselves (ourselves – this writer, included) of being the renewable energy capital of the country, yes. But until the Ilocos Norte Electric Cooperative will be finally able to buy the energy it has to distribute to its member-consumers from Northwind, EDC, and AC Energy, the operators of these windmills, then, the people of Ilocos Norte are still unable to harness the benefits of wind power.
So what if the windmills were able to improve the tourism industry in the province? We have to recognize that because of these large windmills, Ilocos Norte was again has its own place in the nation’s tourism map. These windmills draw a lot of tourists – both within the province and within the country. For Filipinos, these large machines are a beautiful sight to see.

However, the tourism boom is just a side effect of the installation of these windmills. The maximum benefit that the people should see or feel is lower power rates, which is certainly not yet felt by Ilocanos.
So what if there are a lot of people protesting about the transmission lines connecting the windmills to the Luzon grid? While producing energy is of upmost importance for all member-consumers, the safety of the people is also important. Sure, wind energy is not harmful to the environment. But if the facilities related to this environment-friendly wind resource puts people at risk, then, definitely, there is something amiss.

Development always has to be dynamic and holistic. Wind energy is a form of development, such that we are able to harness renewable resources to produce and consume electricity. However, everyone should reap the benefits. For the people of Ilocos Norte, the benefits from these windmills should not just be in the form of tourism boom. More than that, it has to be felt in terms of lower power rates. Based on the existing power contracts INEC has entered into, it seems that Ilocanos would not have a change to get some wind power until 2016, when the power retailer’s contract with San Miguel ends.

Until that happens, the question that comes up in one’s mind is, still: Do you really feel the wind?

REFERENCES
ABS-CBN TV-7 Laoag. TV Patrol Ilocos – April 16, 2015. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=_j-m0vekIaw.

Adriano, L. (2005). BBM: Windmill shields IN from oil-dependent power. The Ilocos Times, September 12-18, 2005.

Adriano, L. (2005). Windmill boosts Bangui tourism industry. The Ilocos Times, August 15-21, 2005.

Adriano, L. (2014). Bangui residents slam ‘intrusive’ transmission lines. The Ilocos Times, Vol. 58, No. 5, November 17-23, 2014, pp. 1-2.

Adriano, L. (2014). Protest mars inauguration of Pagudpud windmill farm. The Ilocos Times, Vol. 58, No. 6, November 24-30, 2015, pp. 1-2.

Dela Cruz, D. (2014). INEC: Power rate hike this March; Rate increase pegged at P0.33/kwh. The Ilocos Times, Vol. 57, No. 26, April 14-20, 2014, p. 12.

Jimeno, J.F. (2007) Harnessing the wind. Philippine Center for Investigative Journalism iReport. Retrieved from http://pcij.org/stories/harnessing-the-wind/.

Reyes, E. (2014). Solution to power crisis? Ilocos Norte inaugurates 81-MW wind farm. Retrieved from http://www.interaksyon.com/article/99520/solution-to-power-crisis-ilocos-norte-inaugurates-81-mw-wind-farm.

SHORTIE: Sa Tamang Panahon

Bukod sa pagiging isang satirikal na pagtingin sa mga telenobela sa Pilipinas ang AlDub, mayroong isa pang anggulo na puwedeng tignan sa naturang KalyeSerye.

Laging ginigiit ni Lola Nidora na ang pag-ibig ay dumarating “sa tamang panahon.” Isa sa mga pinakapunto ng monologue ngayong Sabado ni Lola Nidora, na mauhsay na ginagampanan ni Wally Bayola, ay ang pagiging masyadong mapusok at ang pagmamadali ng mga kabataan sa panahon ngayon pagdating sa mga ganitong usapin.

Ang karakter ni Lola Nidora ay katulad din ng ating mga lola sa totoong buhay, na nagpapa-alala na ang pag-ibig, hindi minamadali, at dumarating at pinag-uukulan ng pansin sa tamang panahon.

Kung pinapatagal pa ni Lola Nidora ang tamang panahon bago tuluyang magkitang muli at magkatuluyan sina Alden at Yaya Dub – at sa esensya, kung pinapatagal ng Eat Bulaga ang naturang kalyeserye, marahil ang mga ito ay pagdidiin sa pinakaimportanteng leksyon na ating matutunan sa palabas na ito: Pinagtitiyagaan ang pag-ibig hanggang sa maging tama ang panahon, dahil kung hindi, magkakandaleche-leche ang ating buhay. Babala.

Featured image screengrab from Eat Bulaga.

[SHORTIES is a category on Guien’s Panorama where I post some of my long-form Facebook statuses which I want to share to a larger readership.]

Reflections on the Iglesia ni Cristo Protests

Gumising sa atin ngayong Lunes ng umaga ang balita na magdi-disperse na ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na nagtipon-tipon at nagprotesta sa EDSA-Shaw. Ayon sa kanilang general evangelist na si Bro. Bienvenido Santiago, nagkasundo na raw ang pamahalaan at ang Iglesia.

Mukhang huhupa na ang situwasyon. Oras na upang tayo ay mag-reflect sa mga pangyayari na nagsimulang pumutok noong Biyernes.

***

Lahat naman tayo ay may karapatang magtipon-tipon upang ipahayag ang ating mga damdamin. Ngunit medyo nakapagtataka na habang ang mga aktibista at mga dissenter sa pamahalaan na gusto ring magpahayag ay pinahihirapan sa kanilang karapatang magtipon-tipon, mabilis itong nakuha ng INC.

Hindi maiiwasan ng mga tao na isipin na mayroong special treatment sa INC. Bakit nga ba pinagbigyan sila na magtagal hanggang Setyembre 4 sa Padre Faura? Bakit pinalampas ng pamahalaan ng mga lungsod ng Mandaluyong at Quezon ang pag-apaw ng mga miyembro ng simbahan sa EDSA noong Biyernes ng gabi, kung kailan maraming mga tao ang nagsisiuwian o pupunta sa mga sale sa mall? Lagi na ngang matrapik sa EDSA, madadagdagan pa.

Ito ba ay dahil sa pinahahalagahan ng mga pulitiko ang bloc voting ng Iglesia?

Ganyan at ganyan talaga ang maiisip ng mga hindi kaanib sa INC.

***

Ang naturang pagtitipon, sa aking tingin, ay isang public relations disaster in the making. Importanteng bahagi ng pagpoprotesta ang pagpapa-intindi sa mga mamamayan kung ano ba talaga ang inyong ipinaglalaban. Halimbawa, noong ginanap ang EDSA Uno at EDSA Dos, malinaw ang layunin: patalsikin ang mga nakaupong pangulo. Noong nag-Million People March, malinaw ang mensahe ng mga tibak, civil society, maging ang mga ordinaryong mamamayang nakilahok: sawa na sila sa kurakot na sistema, na pinapalala pa ng pork barrel na puwedeng gastusin ng mga senador at congressman nang hindi ini-uulat nang tama kung paano ito ginastos.

Pero ano nga ba talaga ang mensahe ng INC? Separation of Church and State? Okay, kung ganoon, ano po ba para sa inyo ang separation of Church and State? Bukambibig ng INC ang separation of Church and State, pero hindi pa rin naintindihan ng karamihan sa aming mga hindi kaanib ng Iglesia kung ano nga ba ang konsepto ninyo ng separation of Church and State. Sa pangkalahatan, ano ba talaga, in particular, ang inyong ipinaglalaban? Kung puro motherhood statements lamang ang inyong ipinapakalat, hindi talaga tayo magkakaintindihan. Paano kayo makakahanap ng mga kakampi mula sa mga mamamayang pangkalahatan niyan?

Mabuti na lamang at nagpaliwanag nitong Linggo ng gabi si dating congressman Dante Marcoleta sa NET25 ng ilang mga argumento.

Ngunit higit sa lahat, mahihirapan talaga ang naturang simbahan na makakuha ng simpatiya dahil sa ginawa nilang pagharang sa EDSA. Hindi sila sa kahalagahan ng protesta natalo, kundi sa praktikal na aspekto ng trapik sa kalsada.

***

Bilang pangwakas na personal note, hindi po lingid sa aking kaalaman na marami akong mga kaibigan na kaanib ng Iglesia. For the record, I have nothing against your faith. Nasa Saligang Batas naman natin na malaya ang sinuman na manalig sa anumang relihiyong kanyang panaligan, at nirerespeto ko iyon. Ngunit malaya rin ang sinuman na ipahayag ang kanyang opinyon, kapareho sa inyong karapatan na magtipon-tipon sa EDSA. Kanya-kanya tayo ng lenteng ginagamit sa pagtingin sa mga bagay-bagay. Magkagayumpaman, nawa’y manatili ang ating magandang personal na relasyon.

Humihingi na rin ako ng paumanhin para sa mga hindi kaanib ng Iglesia na tila sumobra ang pagkontra sa inyong pagkilos at humantong na sila sa mababa at hindi healthy na uri ng diskurso, sa pamamagitan ng mga personal na atake.

***

Darating tayo sa panahon na muli nating babalikan ang pangyayaring ito. Maaaring magkakaroon na tayo ng pag-sang-ayon sa isa’t-isa, maaaring magkasalungat pa rin tayo. Pero isang bagay ang sigurado: marami tayong natutunan sa tatlo’t kalahating araw na pangyayaring ito sa kasaysayan ng ating bansa.

Ang pagkilos na ito ng Iglesia ni Cristo ay hindi makukulong sa lente ng relihiyon, kundi sasailalim rin sa lente ng pulitika, pamamahala, ekonomiya, at komunikasyon.

[Featured photo from INQUIRER.net on Facebook.]

SHORTIE: Notes on TV news coverage of INC protests

Some notes on the broadcast media coverage of the INC protests:

  • Several INC members are hostile against ABS-CBN News. They were trying to heckle Doris Bigornia while she was trying to get interviews in Padre Faura, a video posted by Rappler showed. In a separate TV Patrol report, a woman who was talking to ABS-CBN was told to call off the interview, saying “Ayaw po sa Channel 2.” The worst: One ABS-CBN cameraman was mauled by alleged members of the church while covering the news at EDSA.
  • The call-offs were also noticeable in a raw video feed posted by GMA News. While several members of the church told Mariz Umali why they were on the road, later on, they were saying that’s enough. Some were even attempting to get Umali’s mic and cover GMA News’ camera.
  • On CNN Philippines Network News last night, they took up the angle of INC as a political force, with Malou Tiquia as analyst.
  • As for NET25, well, what do you expect? They are framing the protests as a peaceful assembly to demand respect from the Justice Department.
  • UNTV, the network of INC’s arch nemesis Ang Dating Daan, does not seem to care at all.

Picture1

Featured photo screengrabs from NET25.

[SHORTIES is a category on Guien’s Panorama where I post some of my long-form Facebook statuses which I want to share to a larger readership.]

Estrada vs. Escritor: Ang Kasong Madalas Banggitin ng INC Upang Panindigan ang Kanilang Kalayaang Pangrelihiyon

Madalas na binabanggit ngayon ng ilang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong Estrada vs. Escritor. Susubukan kong ipaliwanag ang kasong ito, base sa diskusyon ng kasong ito nina Marites Vitug at Criselda Yabes sa kanilang aklat na Our Rights, Our Victories: Landmark Cases in the Supreme Court.

Si Soledad Escritor ay hiwalay sa kanyang unang asawa. Nakilala niya si Luciano Quilapo, Jr., na hiwalay rin sa kanyang asawa. Taong 1980, nagdesisyon silang magsama.

Si Quilapo ay miyembro ng Jehovah’s Witnesses since birth. Si Escritor naman ay nagpa-convert sa Witnesses 10 taon matapos nilang magsama ni Quilapo.

Upang maging pormal ang kanilang pagsasama, nanumpa sina Escritor at Quilapo ng “Declaration of Pledging Faithfulness,” na katumbas ay kasal sa Witnesses. Ginagamit lamang ito sa mga bansa kung saan hindi pinapayagan ang diborsyo.

Habang nagtatrabaho sa isang lower court si Escritor, may isang Alejandro Estrada ang nagsampa ng reklamo laban sa kanya. Ani Estrada, imoral daw ang ginagawang pakikisama ni Escritor kay Quilapo. Pinaliwanag ni Escritor na ang kanilang pagsasama ni Quilapo ay naaayon naman sa kanilang relihiyon.

Sa kabila nito, kumbinsido ang hukom na duminig sa reklamo ni Estrada na dapat nga’y humarap sa kaso sa Office of the Court Administrator si Escritor. Dumulog na si Escritor sa Korte Suprema.

Ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno, ang hukom na naghawak ng naturang kaso sa Korte Suprema, “To be held on balance are the State’s interest and the respondent’s religious freedom. In this highly sensitive area of law, the task of balancing between authority and liberty is most delicate because to the person invoking religious freedom, the consequences of the case are not only temporal.”

Inatasan rin ng Korte ang Office of the Solicitor General kung mayroon nga bang “compelling State interest” sa kasong ito – kung mayroon nga bang mababalewala o maa-undermine na mga institusyon ng Estado kung papayagan ng Korte ang unyon nina Escritor at Quilapo. Pumalya dito ang OSG.

Sa pinal na desisyon ni CJ Puno, ginamit niya ang “grave and imminent danger test.” Isinasaad nito na saka lamang maaaring mangi-alam ang Estado sa kalayaang pangrelihiyon (religious freedom) kung mayroong “grave and present danger… of a serious evil to public safety, public morals, public health… that the State has a right to prevent.” [emphasis added]

Binigyang-pansin nina Vitug at Yabes ang talatang ito sa desisyon ni CJ Puno: “The Court recognizes that state interests must be upheld in order that freedoms – including religious freedom – may be enjoyed. In the area of religious exercise as a preferred freedom, however, man stands accountable to an authority higher than the State… In the absence of a showing that such State interest exists, man must be allowed to subscribe to the infinite.” [emphasis added]

***

Sa esensya (o ayon sa aking pagkaka-intindi), ang sinasabi ng Estrada vs. Escritor, ang tao ay may kalayaang pangrelihiyon, at kinikilala ng Estado na pagdating sa pananampalataya ng isang tao, may otoridad na mas mataas pa sa Estado. Sa partikular na kasong ito, dahil naniniwala ang Jehovah’s Witnesses na ang kanilang “Declaration of Pledging Faithfulness” ay naaayon sa kanilang pananampalataya, at hindi naman ito makakapagpababa ng mga institusyon ng Estado, pumabor ang Korte Suprema kay Escritor.

Anang mga miyembro ng INC, hindi dapat mangialam si Justice Secretary Leila de Lima sa mga kaso ng INC dahil may separasyon ng Simbahan at ng Estado (separation of Church and State). Sa kabila ng mga akusasyon ng ‘di umano’y mga pagdukot at pagkulong sa mga ministro ng naturang simbahan, ipinipilit pa rin nila na ang isyung ito ay internal; hindi na dapat mangialam ang Estado.

Pero ang kaso ng illegal detention at kidnapping na inaakusa sa simbahan ay hindi ukol sa pagiging “accountable” ng tao – sa kasong ito, mga miyembro at ang pamunuan ng Iglesia – “to an authority higher than the State.” Ang illegal detention at kidnapping ay sakop ng batas ng tao (laws of man), at ito ay dapat imbestigahan at litisin nang naaayon sa batas ng tao. Sa madaling sabi, dahil ang illegal detention at kidnapping ay krimen ayon sa batas ng tao, dapat na imbestigahan ito ng Estado, sa pamamagitan ng Department of Justice.

Mayroon bang inaapakang karapatan ang INC sa mga ministrong dinukot raw nila – kung totoo nga ang mga naturang pandurukot? Meron, malamang. Isinasaad ng Article III, Section 1 ng ating Saligang Batas na “No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied of the equal protection of the laws.”

Walang sinuman ang dapat pagkaitan ng kanyang kalayaang mamuhay, ayon sa ating Saligang Batas. Kung mapatunayang totoo na may mga dinukot ngang ministro ng Iglesia, malamang, nilabag nila ang kalayaang mamuhay ng mga dinukot.

Katulad ng mga miyembro ng Iglesia, ako rin mismo, bilang ordinaryong mamamayan na nasa labas ng naturang simbahan, ay naghahangad rin na makamit ang katotohanan ukol sa mga akusasyon laban sa INC. Dahil dito, naniniwala akong dapat ay hayaan ang DoJ na gampanan ang kanilang trabaho sa pag-iimbestiga sa mga akusasyon laban sa pamunuan ng naturang simbahan. Ngunit kung mananatili sila sa pagharang ng paggulong ng hustisya, hindi natin malalaman at mararating ang katotohanan.

After all, sinisiguro rin naman ng ating mga batas na ang inaakusahan ay “innocent until proven guilty.”

 

This is my vantage point. Welcome to my perspective.