When Inspired, Write a Poem: A Thing That Boggles My Mind for Years

When somebody is inspired, he/she writes really nice poems.
When somebody is inspired, he/she writes really nice poems. But when it comes to their performance in grammar, they are mediocre.

This boggles me through the years: there are people who, in terms of performance in academics – particularly in grammar, are mediocre, but when they are inspired or heartbroken, they make poems or quotations that indeed stand out, what they wrote are qualified to be published in the Readers Digest. My question always is: why is that?

It is really wierd. I know a few classmates who have papers that are filled with love quotes that are indeed beautiful, I even cannot make it. I saw a poem that deals with love and solving it with a few concepts of mathematics and science, and it turned out to be an unforgettable poem. But, as I observe, the author is just an average student.

Someone let me see a poem about heartbreak that the author wrote. It was another great poem. But the poem is justifiable: the author is one of my classmates who I idolize.

Now, can somebody tell me why these things happen?

Tagasalin-wika sa Major Major Pageants?

Ang pagkamit ni Venus Raj ng ikalima (fourth runner-up) sa Miss Universe ay nagdulot ng kasiyahan sa bansa, ngunit ang kanyang "major major" na sagot ay nagdulot ng kaunting pagkadismaya.
Ang pagkamit ni Venus Raj ng ikalima (fourth runner-up) sa Miss Universe ay nagdulot ng kasiyahan sa bansa, ngunit ang kanyang "major major" na sagot ay nagdulot ng kaunting pagkadismaya.

Sa balitang ipinaskil sa isang bulletin board sa paaralan, sinabi na ang lahat ng mga kasagutan, maliban sa sagot ng kalahok mula sa Pilipinas, ay naging maganda. Marami ang nakapuna sa naging sagot ng pambato ng ating bansa sa pandaigdigang torneo na Miss Universe, si Maria Venus Raj.

Narito ang kanyang sagot sa tanong ni William Baldwin [ang tanong ay: What was your biggest mistake and how did you correct it?]

… In my 22 years of existence, I can say that there is nothing major major, I mean problem that I have done in my life…

Marami ang nadismaya sa naging sagot ni Raj. Mga ordinaryong tao, mga experto sa pakikipagtalastasan at maging ang mga nasa industriya ng showbis at mga dating nagkamit ng parangal sa mga patimpalak ng pagandahan ay nagsabi ng mga komentaryo. Sa lahat ng mga komento, nagustuhan ko ang sinabi ni Melanie Marquez sa isang interview sa GMA7.

Ine-exaggerate nila yung kamalian ng isang tao when in fact, ‘di ba, ang dami-dami nating pinadala doong magaling mag-Ingles, magaling magsagot-sagot. Pero … Lost Valdez!

[Pahabol: Ang ‘Lost Valdez’ na komento ni Melanie ang isa sa mga naging

Ang "Lost Valdez" ni Melanie Marquez ay nagpatawa kay Mel Tiangco sa isang edisyon ng 24 Oras.
Ang "Lost Valdez" ni Melanie Marquez ay nagpatawa kay Mel Tiangco sa isang edisyon ng 24 Oras.

dahilan ng nakakatuwang pagtawa ni Mel Tiangco sa pagtatapos ng isang edisyon ng panggabing balita ng himpilan.]

Ngunit hindi natin masisisi si Venus sa kanyang sagot. Mahirap magisip ng sasabihin sa napakaiksing panahon, at mahirap magpaliwanag sa loob ng tatlumpung segundo. Bilang isang mag-aaral na nakikilahok sa mga debate, mahirap maghanda ng talumpati sa loob ng labinlimang minuto [tama, kulang kung minsan ang 15 minuto]. Ang ginawa ni Raj ay mas mahirap pa sa aking nakasanayan!

Ang major major na pangyayari sa pagsagot sa Miss Universe ay isang isyu na naging sanhi ng pagsulpot ng isang suhestiyon: magpadala ng translator sa mga ganitong uri ng patimpalak.

Ang nanalo sa Miss Universe na mula sa Mehiko ay nangailangan ng translator. Dalawa ang maaaring naging dahilan nito: una, dahil mas maiintindihan ang tanong; at pangalawa, alam ng kandidata na mas maipararating niya ang kanyang mga saloobin sa pamamagitan ng kanyang inang wika. Halata naman na dahil mayroon siyang tagasalin-wika, mas may oras pa siya upang mag-isip ng isasagot.

Ngunit ang Pilipinas, magmula nang ang bansa’y nakilahok sa mga ganitong labanan, ay hindi nagpapadala ng translator. Sa halip, hinahayaan na lamang na tanungin sa Ingles ang kandidata at sasagot din naman sa wikang Ingles ang kalahok. Ang problema, ang Ingles ay isang pangalawang wika sa Pilipinas [English as a Second Language ang situwasyon sa atin.] Walang makatatanggi na ang wikang Pilipino, o di kaya’y ang mga wikang bernakular, ang siyang makapagpapadali sa atin na sabihin ang ating saloobin, iniisip, at dinaramdam. Mahirap sabihin nang buo ang ating gustong sabihin sa pamamagitan ng Ingles dahil kailangan pa nating maghanap ng mga katumbas na salitang Pinoy sa Ingles, at kailangang maging grammar conscious.

Ang isang maaaring dahilan ng hindi pagkakaroon ng tagasalin-wika sa mga patimpalak na ito ay marahil dahil sa ating kolonyal na pag-iisip. Anything foreign is superior. Maraming tao ang nag-iisip na kung gagamit tayo ng Ingles, mauukit sa isipan ng lupon ng inampalan ang Pilipina. Isipin ninyo ang karaniwang eksenang ito: basta makaranig tayo ng isang dayuhang nag-Iingles, magpapa-impress ang ilan sa atin, kahit alam na nila na hindi sila marunong mag-Ingles [may ibabahagi akong kuwento ukol dito sa dulo ng lathalaing ito].

Tayo ngayon ay mag-isip: ano ang mas makabubuti: ang ipagpatuloy ang tradisyon na sa Ingles sabihin ang tanong, o mas maigi ang pagkakaroon ng translator? Sa mga susunod na kandidata, kayo na ang magpasiya.

*****

Trying hard.

Mayroon akong dalawang kuwentong gusto kong ibahagi ukol sa paggamit ng Ingles.

Maling Pagpaparinig. Nasa dressing room kami ng nanay ko sa isang mall dito sa Ilocos. Ang nanay ko ay nagpapalit sa cubicle habang ako ay naghihintay. Sa dressing room, may isang ina at isang anak na dalaga, na marahil ay nasa mataas na paaralan din tulad ko. Nakadamit-sosyal sila. Iniisip ko na baka taga-Maynila sila.

Inutusan ng ina ang kanyang anak na buhatin ang basket ng kanilang pinamili. Binuhat ng pa-sosyal na babae ang basket. Malamang, upang ako ay paringgan [Hindi naman sa pagmamayabang, ngunit inisip ko, gusto nga bang magpa-impress sa akin ang dalaga, o gusto niyang magparinig sa akin na marunong siyang mag-Ingles?], sa kanyang pagbuhat ng basket, kanyang sinabi, “By the powers invested in me.” Hindi niya siguro namalayan na ang kanyang nasambit ay mali. Ang tama ay by the powers vested in me, hindi invested. Narinig ng nanay ko ang sinabi ng dalaga. Nang lumabas ang mag-ina sa dressing room at lumabas ang nanay ko mula sa cubicle, sabay kaming nagsabi, “Narinig mo, by the powers INvested in me!” sabay tawa hanggang makaalis sa dressing room.

Maling Pagtulong. Mula Ilocos, bumiyahe kami ng nanay ko sa Maynila para sa isang personal na dahilan. Hinihintay namin ang aming sundo nang may dumating na bus mula Cagayan na may sakay na dayuhang turista. Ang isa sa mga turista ay may maraming karga. Nang kanyang kunin ang kanyang mga gamait mula sa baba ng bus, may isang kargador na nag-abot ng tulong. Bukal mula sa kanyang puso, sinabi niya, “Help me? Help me?” Tatlong beses na umiling ang dayuhan, marahil dahil sa ayaw niyang tulungan ang kargador.

Maganda na sana ang pagbigay ng tulong ng kargador, kung hindi niya humingi ng tulong sa kanyang tutulungan.