Tag Archives: Shortie

SHORTIE: AlDub, Showtime, formulas

Ang laking suwerte ng Eat Bulaga sa ‪#‎AlDub‬ phenomenon. Ilang beses nang natatalo sa ratings ng AGB Nielsen ang It’s Showtime dahil maraming nakatutok sa mga kabanata ng hindi magtagpo-tagpong sina Alden at Yaya Dub.

Ngayon naman, mukhang may bagong pauso ang It’s Showtime: twerking. Marami ang nagsasabing walang lugar ang twerking sa noontime television, bilang ang twerking ay isang sexually-charged na sayaw.

Pero kung tutuusin, ang penomenang AlDub at ang pagte-twerk nina Anne Curtis at Ella Cruz ay dinidiktahan ng dalawang puwersa na umiimpluwensiya sa media. Ang AlDub, kahit na nakakatawa dahil sa pagiging spontaneous nito, ay nakadepende sa pormula ng langit-ka-lupa-ako, at may mga kontrabida sa pagmamahalan nila, sa pangunguna nina Lola NiDora at ni Duhrizz. Ang pagte-twerk ay nakadepende sa nosyon ng “sex sells.” Dahil maraming mga manonood – presumably, mga lalake – ang nasa-satisfy sa mga ganitong uri ng sayaw, naturamente, magbibigay ang midya ng mga babaeng nagte-twerk.

Ngayon, kung ano ang pipiliin niyo, nasa inyo na iyan bilang konsyumer ng midya.

[A lengthier piece on the AlDub phenomenon and Showtime’s twerks will be published later. Or as Lola NiDora says, “sa tamang panahon.”]

[SHORTIES is a category on Guien’s Panorama where I post some of my long-form Facebook statuses which I want to share to a larger readership.]