Tag Archives: social media

Are we still a conservative nation?

Yesterday, July 10, the Pinoy interwebs was almost broken by a scandal. Not a political one, but a sex video scandal. Making matters worse, [unverified] online reports suggest that the person who was in the video was a 12 year-old.

This morning, a local radio commentator here in our province discussed the potential connection of social media and the sudden death of teen artist Julie Buencamino. The commentary started with a premise which seems to be off from the showbiz rumor mill, so much so that it did not make sense to me. The commentator then went on to how social media is affecting the lives of young people. She goes on to say [non-verbatim, translated from Iluko]:

In fact, I am starting to loathe and condemn Facebook because it seems to glorify same sex relationships. I am against same sex marriage. Tell whatever you want, but the Philippines is still a conservative nation.

The comment jolted me. No, it’s not about her opposition to same sex marriage. It was her argument that our country is still a conservative nation.

The question now is: Is it, still?

Let us go back at what happened yesterday. When the minor’s alleged sex tape went around the Internet, everyone went crazy. Some were eager to watch the video. Some came to the girl’s defense. In fact, statuses like this circulated yesterday:

There are three types of people:

[1] Respect the girl.

[2] Pengeng link. (Send me a link.)

[3] Respect the girl, pero pengeng link.

The bottomline: We talked about it on the Internet.

If the Philippines is indeed a conservative nation, we would know that topics like these are taboo; we can’t talk about it easily. Yet, there we were, discussing how a girl who has her whole life ahead of her was “sayang.”

This is not the first time that this happened over the Philippine Internet parlance. Remember what happened to Paolo Bediones? Heck, even the mainstream media covered the story.

Remember what happened to another guy whose name also trended on Twitter months ago because he also had a scandal with his girlfriend/wife? [Several online reports said she’s his wife.]

Remember the two high school students from a province up north (my home province, in fact) who were caught on camera by a security guard?

We feasted on these stuff. We were like dogs hungry for flesh. A lot were quick to judge. Others were quick to say “Hey, respect, man!” Others were more than willing to share the scandals, thus, trumpeting these more.

Now, you might tell me “Hey, those are insinuations!” Well, then, let me give you some numbers.

The 2013 Young Adult and Fertility Survey (YAFS) conducted by the UP Population Institute and the Demographic Research and Development Foundation revealed that one in three Filipinos aged 15-24 had already engaged in premarital sex – sex before marriage. UP’s Maria Paz Marquez said in an InterAksyon.com report that “This translates to about 6.2 million youth who have engaged in sexual intercourse before marriage.”

The same study also showed that “78 percent of those who engaged in premarital sex for the first time were unprotected.”

It was also revealed that 1.4 million mothers are aged 15-19. Percentage figures on this were up from 4.4% in 2002 to 11%.

A separate study, the 2013 National Demographic and Health Survey, reported that one in 10 Filipinas aged 15-19 already had a child. The Philippine Statistics Authority (PSA) reported “The survey also reveals that one in five (19 percent) young adult Filipino women age 18 to 24 years had initiated their sexual activity before age 18. Some of them would have had their first intimate sexual act before marriage.”

The same PSA report also revealed “Initiation of sexual activity before age 18 is more common among young adult women with less education and those in poorer households.”

How about pornography consumption? The 2013 YAFS report also revealed that “56.5 percent have been exposed to videos and movies, 35.6 percent have been exposed to reading materials, and 15.5 percent have been exposed to websites.”

Pornography website PornHub, in its 2014 Year in Review, said that the Philippines is the 19th top viewer of, well, you already know what, based on the website’s web traffic. The Filipino’s average time spent per visit to the site? 12 minutes and 40 seconds, the greatest among the countries included in the year in review. There were no numbers on the age demographic in the study.

In terms of underage drinking, estimates suggested that 60% of Filipinos aged 13 and above have already taken alcoholic drinks.

How about Church attendance? A 2013 Social Weather Stations survey showed that 37% of Filipino Catholics go to church, as opposed to 64% in July 1991. Plus, 9.2% of them are thinking of leaving the church.

Even Fr. Joel Tabora, president of Ateneo de Davao University, recognized the declining attendance in church, saying:

There ought to be great concern. People have been leaving the Catholic Church. People are about to leave the Church…What I am picking up is exasperation. People are tired of lousy homilies that ramble in inanities that begin and never end, and never end because they should never have begun. People are tired of being preached at, of being treated as if they were younger than adolescents, of being lectured, of being scolded, of being dictated upon. People are tired of obstinate claims to absolute truth, when the thinking world continues to seek truth.

Now, let us ask the question, again. Is the Philippines still a conservative nation? Some would still say YES, because we are still very much values-oriented. Others would say NO, because an awful lot of evidence and actual stories and experiences suggested that we are not anymore.

If you were to ask me, I’d say, we’re not. In fact, we are a nation of hypocrites, not a nation of conservatives. We loathe sex, but we talk about it. Heck, it is even subliminally mixed in mainstream media sometimes. We say we value religion, yet we are quick to judge people. We exempt ourselves in judgment.

Ang Masalimuot na Pagpatay kay Jam Sebastian

Oo, tama ang pagkakabasa mo. Ang post na ito ay tungkol sa masalimuot na pagpatay kay Jam Sebastian, ang 1/2 ng sikat sa Internet na Jamich.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na nagdusa sa kanser sa loob ng isang taon si Jam. At sadya nga namang kaawa-awa ang mga taong dumaraan sa dagok ng pagkakaroon ng isang napakamalubhang sakit. Kaya’t naiintindihan ko kung gaano kasakit na gawin ang desisyon na putulin ang life support ng isang taong mahal mo.

Ngunit mismong ang mga kamag-anak na rin ni Jam at ang kanyang nobyang si Mich ang pumatay kay Jam. At uunahan ko na kayo, hindi ito usapin ng pagputol ng life support.

Unti-unting ginatasan ng mga kamag-anak at ng nobya ni Jam ang kanyang lumalalang kondisyon. Ayos na sana ang mga panaka-nakang status updates ukol sa kondisyon ni Jam. Ngunit dumating na talaga tayo sa punto na sobra-sobra nang impormasyon ang ipinaparating sa atin ng kanyang mga kamag-anak at nobya. This begs the question: Wala ba silang konsepto ng private time?

Tila ba ginawa nilang paing ang lumalalang kondisyon si Jam sa mainstream media. At dahil alam ng mainstream media na gustong-gusto ng mga tao ang showbiz balita/tsismis, siyempre, pumatol sila. Sa pagkakatanda ko, may isang buong linggo na sa lahat ng mga primetime newscast na pinanood ko, laging may balita ukol sa situwasyon ni Jam.

Hindi nakakatulong na nag-post daw ang ina mismo ni Jam na excited siya na ma-interview sa Startalk. Hindi nakakatulong na blow-by-blow ang coverage ng mismong mga kamag-anak at nobya niya mula nang malagutan si Jam ng hininga hanggang sa libing, na para bang ang kino-cover e EDSA Dos. Hindi nakakatulong na may wirdong flashback video si Mich.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang news cycle ng pagpunta sa kabilang buhay ni Jam sa news cycle ng pamamayapa ng iba pang mga artista. Halimbawa na lamang: nung namatay ang hari ng komedya na si Dolphy, kalmado lang ang pamilya. Nagsimula ang lahat sa isang simpleng pahayag na ipinadala sa lahat ng himpilan. May nakatokang tagapagsalita para sa mga updates. Humingi muna sila ng privacy, ngunit nang lumaon, pinayagan na rin nila ang mga mamamayan na makiluksa na rin. Ngunit itong kay Jam, talagang wall-by-wall at blow-by-blow ang dating ng mga detalye.

Binasag ng mga kamag-anak at nobya ni Jam ang ating konsepto ng pagluluksa. Pero dapat ba nating sabihin na gutom sila sa kasikatan, na sila’y mga famewhore? Bahala ka na kung anong isasagot mo diyan.

Ngunit maaari rin sigurong sabihin na sila ay naging biktima rin ng kasikatang gusto nilang matamo. Sila ay na-absorb ng pagiging makasarili at self-centered ng kasalukuyang information age, na dapat ang lahat ng impormasyon ay manggaling sa atin, at naghahanap tayo ng gratification para sa ating sarili sa pamamagitan ng mga kung ano-anong ibinabahagi at isine-share natin sa ating mga online platform.

Hinihiling ko na sumalangit nawa ang kaluluwa ni Jam, na naging bahagi ng Internet age para sa ilang mga kabataang Pilipino. Ngunit hindi ko maiwasang magtaka at malungkot para sa mismong mga taong malapit at nagmahal din sa kanya. Dahil sa kanilang gutom para sa kasikatan, binaha nila tayo, katulong na rin ng mainstream media, ng mga bagay na sa tingin ng karaniwang tao ay hindi nararapat para sa mga dumadaan sa matinding pagsubok at nang lumao’y nagluluksa. Ang mga taong malapit na rin mismo kay Jam ang siya ring nagdala sa kanyang kamatayan.

Hindi lang masalimuot ang pamamayapa ni Jam Sebastian. Masalimuot rin ang unti-unting pagpatay sa kanya.

Featured image: Screenshot ng Facebook page ng Jamich.

Rape is No Laughing Matter

Isang sensitibong usapin ang panggagahasa, o rape. Ang rape ay isang uri ng pang-aabuso kung saan pinipilit ng rapist sa pamamagitan ng puwersa ang biktima nito na makipagtalik sa kanya. Narito ang definition ng rape, ayon sa Republic Act 8353, o ang Anti-Rape Act of 1997:

Article 266-A. Rape: When And How Committed. – Rape is committed:

1) By a man who shall have carnal knowledge of a woman under any of the following circumstances:

a) Through force, threat, or intimidation;
b) When the offended party is deprived of reason or otherwise unconscious;
c) By means of fraudulent machination or grave abuse of authority; and
d) When the offended party is under twelve (12) years of age or is demented, even though none of the circumstances mentioned above be present.
2) By any person who, under any of the circumstances mentioned in paragraph 1 hereof, shall commit an act of sexual assault by inserting his penis into another person’s mouth or anal orifice, or any instrument or object, into the genital or anal orifice of another person.

Ayon sa datos ng Philippine National Police, noong taong 2007, may 879 na kaso ng rape na naiulat. Ito ay base sa mga ulat ng panggagahasa na inire-report sa mga himpilan ng pulisya sa buong bansa. Di natin maikakaila na may mga kaso ng rape na hindi iniuulat sa mga police station.

May mga epekto rin ang panggagahasa sa mga naging biktima nito. Bukod sa maaari itong magdulot ng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases, ang rape, ayon sa HealthyPlace.com, ay maaaring maging magdala ng depresyon, post-traumatic stress disorder, problema sa pagtulog, kawalan ng ganang kumain, galit sa sarili at sa ibang tao, dissociative identity disorder, at iba pa.

Hindi lingid sa ating kaalaman na masalimuot pag-usapan ang rape. Sa tuwing may iniuulat na mga panggagahasa sa TV, nakikita naman natin ang takot na nararamdaman ng mga biktima, kesyo puwede raw silang balikan at pinagbabantaan pa ng mga nanggahasa sa kanila. Hindi talaga biro ang magahasa. Kaya naman napakasensitibo ng paksang ito. Ito ay isang mabigat na bagay upang pagdiskusyunan. Kung ito ay mapag-uusapan, kailangan ng sensitibidad upang matalakay ito nang hindi nakokompromiso ang mga biktima.

Man of the Hour: Umani ng batikos ang komedyanteng si Vice Ganda dahil sa isa niyang comedy sketch ukol sa panggagahasa sa batikang mamamahayag na si Jessica Soho. Larawan mula sa Twitter page ni Vice Ganda.
Man of the Hour: Umani ng batikos ang komedyanteng si Vice Ganda dahil sa isa niyang comedy sketch ukol sa panggagahasa sa batikang mamamahayag na si Jessica Soho. Larawan mula sa Twitter page ni Vice Ganda.

Kaya naman, hindi maaaring basta-bastang makapagbibiro ang isang tao tungkol sa rape. Ngayon, maugong ang usapan ukol sa isang sketch na ginawa ni Vice Ganda, isang popular na stand-up comedian, sa kanyang konsiyerto na ginanap kamakailan. Sa isang sketch ni Vice, pinagtuunan niya ng pansin ang tanong na ito: Paano kung ang ilan sa mga popular na personalidad ay maging bold star?

Kamangha-manghang tanong nga iyan. Narito ang sagot. Narito ang video ng sketch ni Vice Ganda, mula kay YouTube user Sinned Zurk.


Bago ako masabihang ako’y kill-joy, aaminin ko sa inyo, benta ang mga joke niya ukol kina Boy Abunda [Ilabas mo na ang bird mo, now na!] at Gus Abelgas [Three hours lang tayo dito sa… Sogo.]. Ngayon, ano ang problema sa sketch?

Nakatuon ang pansin ng lahat sa naging joke niya ukol kay Jessica Soho, ang pinuno ng GMA News, at ang siyang anchor ng State of the Nation. Ayon kay Vice, dapat daw ay gang rape ang mga eksena ni Jessica kung siya ay magiging bold star. Narito ang isang mahalagang punto ng kanyang sketch:

Kailangang gang rape lagi. Sasabihin ng rapist, “Ipasok ang lechon!” Sasabihin ni Jessica, “E nasaan ang apple?”

Dahil dito, nagalit ang ilang mga news reporters ng GMA Network. Ayon kay Jiggy Manicad, “Hindi joke ang salitang ‘rape’.” Ayon naman kay Maki Pulido, “Vice Ganda should realize that rape is not a joke. That rape is a form of violence.” Ang sabi naman ni Bam Alegre, “Vice Ganda, sana di mo maranasan maging rape victim. Saglit mong patawa sa concert, buong buhay nilang trauma.”

Ang talagang naglabas ng galit ay si Arnold Clavio. “Bakit mo binibiktima ang mga taong seryoso sa trabaho nila? Huwag mo silang kasangkapanin para lang makapagpagpatawa,” banat niya sa komedyante.

Uulitin ko; hindi naman ako nagpapaka-kill-joy rito. Ngunit isang sensitibong usapin ang rape. Lalo pa’t ang sinabi ni Vice Ganda ay dapat daw, gang rape ang eksena ni Jessica. Nagkaroon rin siya ng mga biro ukol sa timbang ng batiking journo. Siguro’y maaari natin iyong pagbigyan. Ngunit rape is no laughing matter. Mismong si Jessica Soho ang nagsabi niyan.

Habang sinusulat ko ito, naglabas ang hepe ng GMA News ng pahayag ukol sa naturang joke ni Vice. Ani Soho, “Rape is not a joke and should never be material for a comedy concert.” Tama nga naman siya. Hindi basta-basta maaaring ipasok ang rape sa kahit anumang biruan. Ang rape ay isang sensitibong usapin. Ang pagbibiro ukol dito ay maaaring makasama sa mga nagahasa. Maaaring lumala ang kalungkutan ang salimuot na kanilang nararamdaman. Hindi masaya ang ika’y mapilitang makipagtalik sa isang tao, o ng maraming tao.

Hindi muna ako tutungo sa comedic style ni Vice; that’s a different story altogether. Magkagayunpaman, sana’y magsilbi itong aral sa ating lahat ukol sa pagiging sensitibo ng rape.

Dahil sa insidenteng ito, naaalala ko ang isang meme na nakarating sa akin. Ito ay nanggaling sa Facebook page na “Fat Memes.”

"Papa-rape ka, teh?" tanong ng Fat Memes. Larawan mula sa Facebook page ng Fat Memes.
Magpapagahasa: “Papa-rape ka, teh?” tanong ng Fat Memes. Larawan mula sa Facebook page ng Fat Memes.

Umani rin ang meme na ito ng mga batikos mula sa ilang netizens dahil sa tila ba ibinaba ng meme na ito ang pagiging sensitibo ng pagkakagahasa. Maaaring ang intensyon ng meme na ito ay magpatawa. Ngunit ito ay isang pamamaraan ng victim-blaming; sinisisi mo ang isang taong nagahasa dahil in the first place, siya ay nagsuot ng maikling short. Sinabi ko sa aking isang Facebook status bilang reaksyon sa meme na ito:

May underlying implication ang argumento na gustong magahasa ng mga nagsho-short shorts. It implies the “boys will always be boys” argument: na ang mga lalake, sadyang mataas ang sexual libido, i.e. malibog. I don’t buy that underlying argument, as this implies na wala ngang kontrol ang mga lalaki pagdating sa sexual, uhm, adventures [for lack of proper term].

Kinalaunan ay naglabas rin naman ng paumanhin ang mga administrador ng nasabing page dahil sa dami ng batikos na inani nito.

Hindi talaga natin mapapaliit ang pagiging seryoso ng mga usapin tungkol sa rape. Ang rape ay isang napakasensitibong usapin. Ang anumang biro ukol dito ay maaaring maka-apekto sa mga libo-libong naging biktima nito. Tama si Jessica Soho: kahit kailan, hindi dapat gamitin sa larangan ng komedya ang rape.

Rape is no laughing matter. Gustuhin man nating magpakasaya sa pamamagitan ng mga biro at comedy sketches, kailangan natin pa rin na isaalang-alang ang pagiging sensitibo. Malay natin, sa isang birong ating masambit, hindi lamang iisang tao, kundi maraming tao ang maapektuhan.

 

#SocialMediaThoughts | Pagkitil sa Kalayaan (?)

Magmula noong nakaraang taon, sinabihan ako ng aking mga tita, “Guien, agal-alwad ka kadagita opinyon mo dita Facebook, ta baka met kidnapen da ka. (Guien, mag-ingat ka sa mga opinyon mo sa Facebook at baka ma-kidnap ka.)”

At tila ba nagkakatotoo ang kanilang propesiya.

Hindi ko sinasabi na baka ma-kidnap ako, pero totoo ang sinabi nila: kailangan nang mag-ingat sa social media.

Ilang linggo na ang nakalipas magmula noong naipasa ang Republic Act 10175, o mas kilala bilang Cybercrimes Act. Ginagawa nang labag sa batas ng RA 10175 ang spam (ang nakalagay sa batas ay unsolicited commercial communications), cybersex, at child pornography. Mayroon ding probisyon ang RA 10175 ukol sa libelo, o online libel. Ang mga ito ay napapabilang sa content-related offenses na nakapaloob sa batas. 

Sa aspetong teknikal, ipinagbabawal na ng naturang batas ang illegal access, illegal interception, data at system interference, computer identity theft, at computer-related fraud.

Maaari ngang isang malaking hakbang pasulong ang pagkakaroon ng batas laban sa identity theft, computer fraud at mga unwanted access sa mga computer, ngunit nakakabahala ang ilang mga probisyon na nakapaloob sa Section 4 (c) ng RA 10175.

Ang social media, gaano man kapribado ang iyong account, ay napapabilang sa public domain. Ang mga blog na iyong nababasa – kahit pa personal blog ito – ay nasa pampublikong diskurso pa rin. Ang iyong Facebook at Twitter account – kahit sandamakmak ang privacy settings niyan – ay napapabilang pa rin sa public domain. Ibig sabihin, maaring makita ng kahit sino ang iyong mga inilalagay na larawan at mga status. Makikita ng mga kaibigan mo na ikaw ay galit sa iyong dating bestfriend dahil sa sinulot niya ang iyong dating karelasyon o na sawang-sawa ka na sa panenermon ng iyong boss at hinihiling mo na sana’y mamatay na siya. Ang mga ganyang uri ng status ay puwedeng mahantong sa online libel.

Upang mapatunayan ang isang kaso ng libelo, may tatlong kailangang maipakita ang nagsampa ng kaso: [1] hindi totoo ang sinasabi ng nasasakdal, [2] may malicious intent ang nasasakdal kung kaya’t sinabi niya ang isang libelous na pahayag, at [3] ang tinutukoy na pahayag ay naisapubliko. Kung sa aspetong personal, tulad ng kaso ng mga taong galit na nagpo-post tungkol sa kanilang mga dating kalaguyo o boss, maaaring mabilisang mapapatunayan ang tatlo. Ngunit iba ang situwasyon kung ang pag-uusapan ay ang paglalahad ng mga opinyon sa social media.

Nagiging daan ng mamamayan ang social media upang masabi ang kanilang mga opinyon ukol sa mga bagay-bagay sa mundo. Maging ako mismo, nagsasabi ng aking mga opinyon tungkol sa mga mahahalagang isyu. Dito na pumapasok ang pagiging malabo ng batas. Una, hindi malinaw sa batas kung libelo na ang simpleng pagla-like o pagre-retweet ng isang piraso ng opinyon na maaring hindi sang-ayon sa ibang tao. Pangalawa, maaaring magsampa ng kaso ang mga makapangyarihan sa mga taong naglalahad lamang ng kanilang kritikal na opinyon.

Upang lalo pang maipaliwanag ang mga dalawang puntong ito, tignan natin kung paano magsabi ng opinyon ang mga Pilipino sa social media. May mga Pinoy na naglalahad ng kanilang mga opinyon gamit ang lohika at ang sining ng argumentasyon; sinusubukan nila ang lahat upang balansehin ang bawat panig ng isyu upang malaman kung saan sila papanig, at ipaliliwanag nila kung bakit sila ay pumapanig sa isang banda ng isyu. Mayroon namang mga Pilipino na irresponsable kung maglahad ng opinyon, yung mga tipong conspiracy theorists, o di kaya yung mga gumagamit ng fallacy, lalo na ng argumentum ad hominem.

Ngayon, dahil sa RA 10175, maaaring makulong ang mga tao dahil lamang sa simpleng paglalahad ng kanilang opinyon, kahit na ang kanilang kuro-kuro ay pinag-isipan nang maigi, dahil lamang sa isang simpleng dahilan: ang kanilang argumento ay kontra sa argumento ng makapangyarihan.

Ang online libel ang sadyang nakakatakot sa bagong batas na ito. Kung sa aspetong personal, oo, nakakatulong siya Pero, sa aspeto ng pampublikong diskurso at usapan pagdating sa mga isyu, ay, sadyang ibang usapan na iyan.

Dumako naman tayo sa mga like at retweet. Ayon kay Atty. Mel Sta. Maria, maaaring pumasok ang pagla-like at paga-RT ng mga status at tweets sa Section 5 (a) ng batas, na nagsasaad na “Any person who willfully abets or aids in the commission of any of the offenses enumerated in this Act shall be held liable.”

Narito ang paliwanag ni Atty. Sta. Maria ukol sa like at retweet.

When a Facebook or Twitter user posts his or her views, comments, replies or blogs, his or her intention is clearly for other users to read them. When another user disseminates them or encourages them by sharing or re-tweeting or even liking, he or she actively second and encourage, forward, assist or support in the achievement of the purpose of the original writer. Simply put, the sharer or retweeter abet the activities and the objective of the original writer. This may start a chain reaction. Others may show their support by merely clicking “like” or they may forward it by further sharing and retweeting.

In the context of the specific provisions of the Cybercrime Law, therefore, sharers and retweeters, or even just “likers”, are abettors regardless of intent. The moment he or she disseminates, he or she abets. A crime has been committed. The defense of good faith, lack of intention to injure and ignorance of the law become totally irrelevant.

Ayon naman kay Sen. TG Guingona, “Without a clear definition of the crime of libel and the persons liable, virtually, any person can now be charged with a crime—even if you just like, retweet or comment on an online update or blog post containing criticisms.”

Sa colloquial na wika, kapag ba ni-like o ni-retweet o nai-share, libel na agad-agad?

Samantala, may ilan naman na nabahala sa probisyon ukol sa cybersex. Ayon sa Section 4 (c) (1), ang cybersex ay ang pagpapakita ng sexual organs sa pamamagitan ng mga computer. Ayon sa ilan, papaano naman daw kung ang pagpapadala ng mag larawan ng kanilang mga hubad na katawan ay bahagi ng personal na komunikasyon?

Oo, napakawirdong punto nun, pero marami rin ang nagsasabi ng puntong iyan. At may punto nga naman sila. Kung titignan sa ganoong konteksto, magkakaroon nga ng pambubulabog sa personal na komunikasyon ang mga magkasintahan na nagpapadalahan ng mga larawang dapat ay kani-kanila lamang.

May dalawa pang nakakatindig-balahibong probisyon ang RA 10175. Narito ang Section 12 ng naturang batas.

Real-Time Collection of Traffic Data. — Law enforcement authorities, with due cause, shall be authorized to collect or record by technical or electronic means traffic data in real-time associated with specified communications transmitted by means of a computer system.

Mayroong kapangyarihan ang pamahalaan na malaman kung saan tayo tumutungo sa world wide web. Maaaring malaman ng pamahalaan na ang IP address na ginagamit ko ay kasalukuyang uma-access sa WordPress upang magsulat ng blog, o sa online student registration website ng pamantasan kung saan ako’y nag-aaral. Maaaring makita ng pamahalaan kung saan tayo nagagawi sa Internet.

Narito naman ang Section 19 ng batas.

Restricting or Blocking Access to Computer Data. — When a computer data is prima facie found to be in violation of the provisions of this Act, the DOJ shall issue an order to restrict or block access to such computer data.

Hindi ka pa man nakukulong dahil sa Cybercrime Law, kung sa tingin ng NBI at ng DOJ ay nilabag mo na ang batas – kunwari, ikaw ay naakusahan ng online libel – biglang mapuputol ang koneksyon mo sa mundo. Kahit pa sabihing ito ay ginawa upang hindi na lumala ang mga pangyayari, nakakabahala pa rin ang probisyong ito.

Maaari ngang may mga magandang intensyon ang Cybercrime Law: upang mapigilan ang identity at data theft, para maiwasan ang spam, at iba pa. Ngunit, ang ilang probisyon nito ay maaaring kumitil sa kalayaan ng mga mamamayan na magsabi ng kanilang mga opinyon at kuro-kuro. Sabi nga sa Article 3, Section 4 ng ating Saligang Batas:

No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Mayroon nang mga international group na bumabatikos sa RA 10175. May mga senador na piniling pumunta sa Kataas-taasang Hukuman upang maharang ang batas. Marami nang mga eksperto sa IT ang nagsasabi na malaki ang magiging epekto ng batas sa freedom of expression ng mga netizen. Hinihintay pa rin ng mga Pilipino ang implementing rules and regulations (IRR) ng batas.

Sa ngayon, ang magagawa natin ay mag-ingat at mapagmatyag. Maging mapagmatyag sa magiging progreso ng batas, at mag-ingat sa mga sinasabi sa social media.

#SocialMediaThoughts | Kailangan Talagang I-Trend na #HindiSiyaDeserving?

Natapos na naman ang isang edisyon ng Pinoy Big Brother. Wala na akong aabangang mga landian at mga kaka-ibang konsepto ng pag-ibig ng kabataan ngayon.

Siyempre, patok na patok na pag-usapan ang naging Big Night kagabi na tinutukan ng sambayanan, mula sa telebisyon hanggang sa social media. Hindi ko napanood ang pagtatapos ng PBB dahil medyo malayo ang TV area ng dormitoryo namin mula sa aking kuwarto. Nakakatamad bumaba. Buti na lamang at may Facebook at Twitter. Pagkabukas ko ng Tweetdeck, binaha ako ng mga tweet na nanghuhula ng resulta.

Nang inanunsiyo na ang mga nanalo, lalong bumulusok si Tweetdeck. Halo-halong reaksyon ang nakita ko. May mga nagko-congratulate sa pagiging big winner ni Myrtle, isang cosplayer, SK Federated President, at kapwa Iskolar ng Bayan. Ngunit mayroon pa ring mga nadismaya sa naging resulta ng botohan.

Magmula kagabi, tume-trending sa Twitter ang “Congrats Myrtle” at ang hashtag na #HindiKaDeservingMyrtle.

[Gumawa ako ng isang Storify page ukol sa iba’t-ibang mga reaksyon sa Twitter. Sa kasawiang palad, hindi ko ito mai-embed sa post na ito. Basahin ang Storify page dito.]

Ngayon, nai-intindihan ko ang iba’t ibang mga reaksyon ng taumbayan ukol sa resulta ng botohan. Sa katunayan, ang mga naging pangyayari sa PBB ay repleksyon ng mga nangyayari mismo sa ating bansa.

Consent over competence. Kitang-kita ito sa bawat eleksyon. Binoboto natin ang isang tao sa isang posisyon hindi dahil alam natin na siya ang makakapagpabago ng lipunang ginagalawan natin, kundi dahil artista siya, dahil kilala siya, dahil kamag-anak natin siya. Sa PBB, may ganitong tendency sa pagboto. Bumoboto ang tao dahil siya ang kilala. Bumoboto ang tao dahil magkakilala sila ng kanyang binoboto.

Crab mentality. Para saan ang BBE sa texting system? May mga nangangampanya na “O, i-text ang BBE <space> Housemate Name.” Halatang may sistema ng inggitan at hilahan sa pagboto ng big winner sa PBB. Hindi na kailangang ipaliwanag nang mahaba ang aspectong ito.

Iyan ang koneksyon ng halalan ng Pilipinas sa PBB. Balik tayo sa social media. Ang pinaka-importanteng tanong sa lahat ay ito. Kailangan ba talagang ipalandakan sa social media na #hindisiyadeserving? Nai-intindihan ko ang kalayaan ng bawat tao na sabihin ang kanyang opinyon, ngunit iba ang pagsasabi ng opinyon sa paghila sa isang tao pababa. Hindi ba maaaring tayo’y mag-move on na? Iyon na ang resulta, e. Wala na tayong magagawa.

Sa pagtatapos ng ediyong ito ng PBB, nawa’y maintindihan natin ang ibig sabihin ng sportsmanship at acceptance. At tandaan, iba ang critic sa basher. Naglipana ang mga basher sa social media. Pruweba? Ang nangyari kagabi sa Big Night.

BREAKING NEWS: Iimbestigahan na ng Senado ang di umano’y dayaan sa nangyaring botohan sa PBB.

[&amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;lt;a href=”http://storify.com/itosiGuienGarma/twitter-reacts-to-myrtle-s-big-win&#8221; target=”_blank”&amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;gt;View the story “Twitter Reacts to Myrtle’s Big Win” on Storify&amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;lt;/a&amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;amp;gt;]

#SocialMediaThoughts | Sapilitang Trend? Famewhore?

Narito ang ikalawang bahagi ng #SocialMediaThoughts series.

**********

Maraming salamat sa trending topics feature ng Twitter, nalalaman na ng mga tweeps kung anu-ano nga ba ang pinag-uusapan ng karamihan sa mga nasa Twitter.

Dati, ang mga trending worldwide at sa ilang mga piling lugar sa mundo ang makikita ng mga Pinoy na nasa Twitter. Ngayon, mayroon nang Philippine trends. Kung kaya’t alam na natin ngayon kung ano ang madalas na pag-usapan ng mga Pinoy sa Twitterverse.

Philippine trends
Dahil sa Philippine trends feature ng Twitter, nakikita na natin kung ano ang pinag-uusapan ng mga Pinoy sa Twitterverse.

Dahil sa Philippine trends feature, nagkakaroon ng exposure ang iba’t-ibang mga palabas sa TV sa social media. Maging ang ilang artista at ang kanilang mga karakter na ginagampanan, tume-trending din. Ayon sa isang pag-aaral ng Nielsen at Yahoo!, ang pinakamadalas na media multitasking activity ng mga Pinoy ay ang panonood ng TV habang nagi-Internet. Patunay? Ang mga palabas na tume-trending.

Madalas din sa mga trending topic ang mga ilang kabataan na sumikat sa social mediaNoong buwan ng Mayo, naglipana ang mga #addme, #followme, #textme, at ilan pang mga kahalintulad na hashtags. 

Marami ang na-iirita sa mga ganitong uri ng hashtag na nakakapasok sa trending topics sa Pilipinas. Ayon sa mga naa-asar, sino ba naman ang hindi maa-asar kung hindi naman nila kilala – at hindi naman daw kilala – ang mga taong tume-trending. Kapag may ganitong nagte-trending, tanong ng marami: Sino ba ito at gusto niyang i-follow ko siya? Bakit ko naman siya ite-text?

Saan nagsisimula ang mga #hashtag na yan?

Sa mga #addme at #followme na trends, ang unang akala ng mga nasa Twitterverse, ito ay pinasimunuan ng pangalan na nasa hashtag. Ngunit hindi iyan ang nangyayari sa lahat ng kaso. May dalawang posibilidad sa mga ganitong uri ng trending topics:

1. Mga fans ang nagpasimuno. At bakit hindi? May mga fans na gustong-gustong i-request sa mga ini-idolo nila na sila ay i-text, i-follow, o kung anong anik. Ang pagkaka-followback ay isang napakalaking bagay para sa kanila.

2. Sa kanilang ini-idolo talaga nila nanggaling ang hashtag. At ang kanilang mga fans ang lalong nagpapakalat sa Twitter. May mga sikat sa social media na nagsasabi ng “Tweet using the hashtag #followmeinsertname and I’ll follow you back.” Animo’y promo ng isang istasyon ng radyo o TV: magpadala ka ng mensahe; kung ang mensahe mo ang napili, makakakuha ka ng maraming premyo.

Sapilitang Trend?

Tulad nga ng nasabi ko kanina, marami ang naa-asar sa mga ganitong uri ng trending topics. Anila, hindi naman nila kilala ang tume-trending na binata o dalaga. Paano nangyaring tumrending sila? Paano nangyaring sila ang pinag-uusapan ng maraming mga tweeps sa Pilipinas?

Dito natin puwedeng ipasok ang pilosopiya ukol sa pagsikat. Kung ikaw ay nakikita sa TV, napapakinggan sa radyo, isang commercial model, aba’y talagang pag-uusapan ka. Ngunit kung kailangan mo pang mangumbinsi ng ibang tao upang ikaw ay sundan sa Twitter, with the corresponding hashtag, aba’y ibang usapan na raw iyan.

Paano nga ba natin masasabi na ang isang trending topic ay sapilutang itini-trend? Ito ba ay kapag ang pasimuno ay ang sikat sa social media? Kapag nagkukuntsabahan ang mga fans na pilitin ang kanilang idolo na i-follow o i-text sila? [Ano ito, people power?]

Una sa lahat, ano nga ba itong mga RT for a followback, use #thishashtag for a followback, at iba pang mga kahalintulad na gimik ng mga sikat sa social media? Bakit nga ba may mga ganito? 

Famewhore?

Dito na rin pumapasok ang terminong famewhore. Ayon sa mga bumabatikos sa ilang mga sumikat sa social media, ang akala nila, sikat na sila, porke’t nag-trending. Ayon sa UrbanDictionary, ang famewhore ay isang tao na tila ibinibenta ang sarili sa isang uri ng media upang makuha nila ang kanilang 15 minutes of fame.

Kung sila ay famewhore, di ko na sasabihin; nasa inyo na ang pagdedesisyon.

[Samantala, sa kaugnay na balita, nag-trend noong weekend ang hashtag na #50forapicture, na di umano ay may kaugnayan sa Chicser, isang grupo ng kabataan na sumikat sa social media. Ngunit naglabas na sila ng statement na nagsasabing hindi totoo na kailangang magbayad ng P50 ang sinumang magpapa-picture sa kanila sa isang event sa SMX Convention Center.]

Nabulag sa Fandom?

Marami rin ang mga nagsasabi na may mga tweeps na nabulag na dahil sa kanilang pagiging fangirl. Ayon sa mga bumabatikos sa kanila, it does not make sense na [1] hindi naman talaga kilala ng karamihan (iyan ay kabilang ang mga taong walang access sa Twitter, Facebook at Internet) ang kanilang mga ini-idolo; at [2] pinagpipilitan nila na sila ay ma-followback gayong malamang daw, hindi naman talaga natutupad.

Mayroon namang mga natutupad na followback sa mga #followme na hashtag, ngunit may mga bumatikos rito. Halimbawa, ilang linggo lamang ang nakaraan, lumabas ang hashtag na #MakeYourFollowing100JudeSinahon. Mayroon ngang mga fans na ifinollow ng binatang si Jude Sinahon. Ngunit, matapos ang ilang araw, lumabas na ang ilan sa kanyang mga sinundan, ini-unfollow niya. Dito naman lumabas ang #WagMagPautoKayJudeSinahon, na isang malinaw na pambabatikos laban sa kanya. 

Ayon pa sa mga bumabatikos sa mga fandom, nasasayang ang mga tweets at maging ang mga account ng mga dalaginding na tweet nang tweet ng mga hashtag na #addme, #followme, at iba pang mga kahalintulad. Ang Twitter ay may kakayahan na magsuspinde ng mga account kung ito ay tweet nang tweet ng hashtag (as in ang lahat ng 140 karakter ng isang tweet ay inu-ubos ng hashtag). Ang mga ganoong uri ng tweet ay maaaring ikonsidera ng Twitter na spam tweets, kung kaya’t may mga nasusupindeng account. Ayon mismo sa mga bumabatikos, naaawa sila sa mga dalagang nagkaroon na ng ganitong mga karanasan sa Twitter. Ika nila, mas nakakalungkot iyon kaysa sa ma-Twitter jail (tweet limit). Ang ganitong pangyayari sa social media, ayon sa mga bumabatikos, ay patunay ng pagiging ‘di umano’y pagkabulag sa katotohanan ng mga fangirl.

Pangwakas

Nabanggit ko na ang ilang mga malamang na kadahilanan kung bakit may ilang mga kabataan na sumikat sa social media. Nabanggit ko na kung ano ang mga magkakakonektang mga pangyayari sa Twitter ng mga pagsikat na ito. Sa kabila niyan, ako mismo ay hindi kuntento sa mga kasagutang aking nahalungkat. Ewan ko lang sa iyo bilang mambabasa, ngunit hanggang ngayon ay nananalaytay pa rin sa aking kaisipan ang tanong na ito: Bakit sikat?

Siguro nga, sadyang may parallel Twitterverses at social media universes. Gayong marami ang sabay-sabay na nagla-login at nagi-status at tweet, iba-iba pa rin ang habol ng mga iba’t-ibang social media users sa social media na kanilang tinitignan. Siguro nga kanya-kanyang trip talaga iyan.

Ngunit hinahangad ko pa rin na sana ay maging matino na ang social networking sa ating bansa. Tandaan natin, na kahit ang social networking at social media ay isang paraan upang kumonekta sa iba’t-ibang tao sa sanlibutan, kung minsan ito rin mismo ang naghihiwalay sa atin at sa tunay na sanlibutan.

**********

Samantala, sa kaugnay na paksa, narito ang isang mini-film na sikat sa social media. Ito ay tungkol sa isang fangirl na napabayaan ang relasyon sa kanyang boyfriend.

**********

#SocialMediaThoughts | Ba’t Sikat? Isang Pagsusuri sa Bakit at Paano Sumikat ang Ilan sa Social Media

[PRESCRIPTS: (1) Ito ay isang mas detalyado at mas analitikal na sequel ng isang sulatin na nailimbag na sa blog site na ito. Ito ang  sequel ng sulating Ba’t Sikat? (2) Ang sequel na ito ay ang unang bahagi naman ng #socialmediathoughts, isang serye ng pagsusuri sa mga nangyayari sa social media, mula sa simpleng pag-uusap online hanggang sa mga tume-trending sa social media.]

Dati, ang mga sikat, nasa radyo, telebisyon, at pinilakang tabing. Ngayon, ang mga sikat, nasa bagong social media na. At hindi lang yan; may mga taong sa Internet talaga sumikat.

Hindi na lamang sa pamamagitan ng mga star search at reality show sa TV nagkakaroon ng mga bagong sikat na iidolohin. Sa panahon ngayon kung saan halos lahat ng mga may access sa computer ay may Facebook at/o Twitter, mayroon nang isang bagong uri ng media na sumasabay sa agos ng buhay: ang social media.

dealership-social-media-mix
Photo from http://www.karenlancasterblog.co.za

Dahil na rin sa mga makabagong media, nagkakaroon na ng koneksyon ang isang sikat na personalidad at ang kanyang mga fans. I-follow mo lang siya, okay na. Updated ka na sa kung ano ang mga ginagawa niya o kung ano ang kanyang mga project.

Kasabay ng pag-usbong ng social media ay ang pagsikat ng ilang mga kabataan dito. Sa una, mapapa-isip ka talaga: napanood ko na ba itong batang ito sa isang reality show? May TV commercial ba siya? Naging model ba siya sa isang full-page ad sa dyaryo? Kung ang sagot sa lahat ng mga tanong na iyan ay hindi, magtataka ka ulit: kung ganun, aba’y bakit sikat sila sa social media?

Subukan mo silang i-Google [GMG, sabi nga ni Lourd de Veyra]. Kung minsan, may matinong search result. Ngunit karamihan sa mga search result ay mula sa mundo ng mga fans.

Ako mismo, hindi ko maintindihan kung bakit may mga biglang sumikat sa social media. Kung kaya’t sinulat ko ito: isang pagsusuri sa kung bakit at paano sumikat ang ilan sa social media.

Mga Dahilan

Imposible namang walang dahilan ang pagsikat ng ilang kabataan sa social media. Ang pagsikat, laging may dahilan. Mahirap man talagang hanapin ang tunay na dahilan, sa pamamagitan ng pagsusuri, siguro’y may mararating din tayong kadahilanan kung may mga sumisikat sa social media gayong hindi naman sila nakikita sa TV, pelikula o dyaryo.

Sa aking pagsasaliksik, napagtanto ko na may pagkakapare-pareho ang ilan sa mga sumikat sa social media:

1. Guwapo o maganda. May mga lalaking sumikat sa social media dahil sa kanilang itsura. Yung mga tipong matinee idol ang look. May mga babae namang cute at mestiza kaya dumarami ang followers at subscribers.

2. Swag. Naisip kong ihiwalay ito sa unang dahilan. Ayon sa Urban Dictionary, ang swag ay nakikita sa kung paano manamit, magsalita at piniprisinta ng isang tao ang kanyang sarili. Stereotypically, mahilig mag-varsity jacket ang mga ganitong uri ng tao. Ang ilan sa mga taong sumikat sa social media, nakakakitaan ng pagiging swag. Ang ilan nga sa kanila, aminadong swag sila.

3. May mga video sila sa YouTube o sa iba pang video-sharing platform. May ilan sa mga sikat sa social media na may mga video sa social media. Ilan sa mga sumikat sa social media, sa kanilang mga video talaga sumikat.

Mga Uri ng Sumikat sa Social Media

Ngayong may ideya na tayo kung paano [maaaring] sumikat ang ilang kabataan sa social media, maaari nating hatiin sa dalawang uri ang mga taong sumikat sa social media.

1. The Video Toppers. Ito ay ang mga taong naging sikat sa social media dahil sa kanilang mga video. Halimbawa, si Marcelo Santos III ay sumikat dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbahagi sa mga netizen ng mga kuwentong pag-ibig: ang love stories on video. Ang tandem naman na Jamich, naging sikat dahil sa kanilang mga short films na may kaugnayan din sa pag-ibig. Si Kimpoy Feliciano naman, sumikat dahil sa mga Pinoy banat niya na nasa YouTube. Sa pamamagitan rin ng mga video, napabilang na rin sa mainstream ang tandem na Moymoy Palaboy at si Kuya Jobert.

2. Mga May Itsura. Self-explanatory. Sa katunayan, karamihan sa mga sumikat sa social media, naging kilala dahil sa kanilang kaguwapuhan o kagandahan. Ang ilan sa mga sumikat dahil sa kaguwapuhan o kagandahan ay sina Lance de Ocampo, Jude Sinahon, sina Owy at Lance Posadas, Julie Anne Nicole Chua, at iba pang mga kahalintulad. 

Sino Naman Ang Umi-idolo sa Kanila?

Kailangan din nating isa-alang-alang ang audiences ng mga taong ito. Dahil ang sikat, may fans.

Napansin ko na karamihan sa mga humahanga sa mga sumusikat sa social media ay mga kabataang babae. At bakit hindi? Mga kabataan din naman itong mga sumisikat na ito sa social media. Kaya din nauso ang terminong fangirl.

**********

[Sa susunod na bahagi ng #socialmediathoughts series, tatalakayin ang mga implikayon ng pagsikat ng ilang kabataan sa social media: paano nga ba nila nabago ang Philippine social media atmosphere?]


Ba’t Sikat?

[PRESCRIPT: Ang susunod na post ay isang spur-of-the-moment na sulatin. Narito ang mas matino at mas pinag-isipang sulatin ukol sa paksang ito: #SOCIALMEDIATHOUGHTS SERIES: BA’T SIKAT? ISANG PAGSUSURI SA BAKIT AT PAANO SUMIKAT ANG ILAN SA SOCIAL MEDIA]

Andami talagang mga hiwaga sa social media. May nagsasabi kung nasaan sila, kung ano ang kinain o ininom nila (at guilty ako diyan, yer hener). May mga taong nagpaparinig sa mga status nila o tweet. Bukod pa diyan ang iba pang mga anik-anik.

Ngunit ang talagang bumabagabag sa aking isipan, bakit may mga taong nagiging sikat sa social media sa hindi malamang kadahilanan?

Kunwari, sa Facebook, may mga pahina ang ilang mga kabataan na may napakaraming likes. Pilit kong ina-alala kung nakita ko ba sila sa telebisyon o nabasa sa diyaryo kaya’t ganun karami ang kanilang mga fans. (O sadyang dahil piling-pili ang pinapanood ko, di ko talaga sila nakita sa TV.)

Ganyan din sa Twitter. Nuknukan ng dami ng followers ng ilang kabataan rin doon. Ang iba pa nga, todo papansin sa kanilang mga ini-idolo, sa dami ng @mentions. Ganito rin ang situwasyon sa Tumblr.

At mayroon ding mga kabataan na kalat ang kanilang mga larawan sa iba’t-ibang Internet platforms.

Tinignan ko kung ano ang mga pagkakapare-pareho ng mga kabataang nuknukan ng dami ang fans sa social media. At narito ang listahan ng mga pinakamalamang na dahilan ng kanilang pagiging sikat sa social media:

[1] Guwapo/Maganda. Pusang gala. May itsura si ateng. May itsura si kuya. Yung mga tipong itsurang pang-matinee idol. Dahil sa kanilang kagandahan o kaguwapuhan, marami ang sumusunod sa kanila.

[2] SwagItsura, pananamit, pananalita, ugali. Swag ang bagong cool. Ayon sa Urban Dictionary, ang swag ay “apperance ,style ,or the way he or she presents them selves.” [sic] Hanapin niyo na lang sa Tumblr ang mga perpektong ehemplo ng swag.

[3] Bumabanat. Ito ay totoo lalo na sa mga lalaking marami ang fans. Yung mga tipong may mga pickup line o kung anumang anik para mapa-ibig ang isang babae.

Ako ay isang social media user. Naging isang online broadcaster rin ako noon. Wala sa akin ang kaguwapuhan, ang pagiging swag (pusang gala, huwag niyong asahang magiging ganun ako), at lalong wala akong talentong pang-pickup line sa Bubble Gang. Ako’y kuntento na sa dami ng aking followers. Ang GEG Radio, isang online radio station na may news/talk/music format na aking inilunsad ay may average of 10 listeners kada araw noong ito’y sumasahimpapawid pa. Ngunit ang Livestream.tv broadcast ng isang 17- o 18-anyos na binata na kung saan wala siyang ibang ginawa kundi ngumiti at mag-flying kiss ay may halos 10,000 manonood. 

Gusto kong linawin na ito ay hindi isang nagmamaka-awang post. Ang punto ko lamang ay ito: Gayong may nailista akong tatlong punto ukol sa kasikatang natatamo ng ilang gumagamit ng social media, hindi ko pa rin talaga maintindihan. It does not make sense to me. Bukod sa mga tatlong katangiang nailista ko na, wala talaga akong mawaring dahilan ng kanilang kasikatan. Hindi ko alam kung ako lang ang naguguluhan tungkol dito, pero siguro, may mga nagtataka ring iba tungkol sa bagay na ito na naglipana sa social media.

Siguro ganun talaga ang buhay. Pinagpala ka kung ikaw ay may itsura. Pero di bale na. Heto ang aking telepono bilang. Tawagan mo ako, siguro.

Pagsusuri sa #STCbikini Issue: Karapatan ng Estudyante sa Social Media

 

 

[Ito ay ang unang bahagi ng aking pagsusuri sa naging isyu sa St. Theresa’s College sa Cebu City.]

Hindi ako sigurado kung pinapahalgahan nila ang mga konseptong Kristiyano, o hinaharang nila ang karapatan ng mga estudyante na ginagarantiya ng batas ng ating bansa.

Hinarang ng St. Theresa’s College sa Cebu ang pagpunta sa graduation ng limang estudyante matapos na may lumabas na larawan ng mga estudyante sa Facebook na kung saan sila ay nakasuot lamang ng bikini. Ayon sa mga report, sa ilang mga larawan, di umano’y nakahawak ang mga dalagita ng alak.

 

St. Theresa's College, Cebu City.
St. Theresa's College, Cebu City. Larawan mula sa http://reynthology.blogspot.com

Ayon daw sa school handbook ng STC, hindi pinapahintulutan ang mga estudyante na mag-post sa social media sites ng mga larawan na may “ample body exposure.” Ngunit ayon sa mga report, hindi naman daw malinaw ang magiging mga akmang parusa sa sinumang lumabag sa batas na ito.

Sa pagsusuring ito, susubukan kong ilagay sa legal na perspektibo ang isyung ito (ngunit hindi po ako abogado; ito ay base lamang sa aking pag-intindi ng batas bilang isang mamamayan), lalo na ang nabanggit na batas na pina-iiral ng STC. Mayroon bang karapatan ang isang paaralan na i-censor ang kung anumang sasabihin o ilalagay ng kanilang mga estudyante sa social networking sites?

Ginagarantiya ng ating Saligang Batas ang freedom of expression ng bawat mamamayan, ayon sa Art. III, Sec. 4:

Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Ibig sabihin, ang Pilipinas ay pabor sa karapatan ng bawat mamamayan na makapaghayag ng kanilang saloobin at damdamin. Malaya nila itong gawin. Pero siyempre, kailangang gamitin ang karapatang ito nang may ibayong pag-iingat. Kailangang maging responsable sa paggamit ng karapatang ito, kahit na ito’y ginagarantiya na ng ating Saligang Batas. Ultimo ang paggamit ng social networking sites ay isang lugar upang magpahayag ng damdamin. Ang Facebook at Twitter, gaano man tayo malaya dito, ay kailangan ding gamitin nang may pag-iingat.

Ang social networking sites ay puwedeng i-set sa private. Maaaring limitahan ng gumagamit ang mga taong nakakakita ng kanyang mga larawan o pahayag. Ito rin ay isang paraan ng pakikipag-usap sa ibang mga tao sa pamamagitan ng Internet. Kung gayon, siguro’y pasok sa privacy of communication clause ang paggamit ng social media, yaman din lang na puwedeng i-private mode ang mga ito. Ito ang nakasaad sa Art. III, Sec. 3 (1) ng ating Saligang Batas:

Section 3. (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise, as prescribed by law.

Facebook
Ang Facebook ay isang extra-curricular activity ng mga estudyante.

Kung iisipin, ang social networking ay extra-curricular activity ng mga estudyante. Nagla-login sila sa Facebook, Twitter, Tumblr, at kung ano-ano pa pagkatapos ng kanilang pagpasok sa eskuwela. Dito nagpapatuloy ang interaksyon ng mga binata’t dalaga sa kanilang mga kaibigan at kaklase. Kahit anong mangyari, at kahit na may mga elemento ng social media na bukas sa publiko, mayroon pa ring mga maikokonsiderang pribado sa mga ganitong aktibidad sa Internet.

Kung ang freedom of expression at private communications ay nasa ating Saligang Batas, at ang social media ay may mga pribadong aspekto, tama ba at makatuwiran ang batas ng STC ukol sa mga larawan na nagpapakita ng ample body exposure?

Kung ako ang tatanungin, ang sagot ko ay HINDI.

Una, sa tingin ko, hindi makatuwiran na basta-basta maglatag ng batas ang paaralan na makaka-apekto sa karapatan ng mga estudyante. Tandaan natin na ang mga ito ay mga mamamayan din ng ating bansa. Sakop sila ng ating Saligang Batas at ng iba pang mga batas na pina-iiral sa Pilipinas. Uulitin ko: ang freedom of expression at private communications ay ginagarantiya na ng Saligang Batas. Ang anumang school rule na nagse-censor ng ginagawa ng mga estudyante sa social media ay isang ganap na hindi pagrespeto sa batas na umiiral sa ating bansa, lalo na ang pinakabatas ng Pilipinas.

Pangalawa, ang social networking ay ginagawa pagkatapos ng eskuwela. Dapat sana’y huwag nang makisawsaw ang eskuwelahan sa ginagawa ng mga estudyante sa social media. That’s their playpen. Hayaan natin sila na i-explore ang mga potensyal ng Facebook at Twitter at kung ano-ano pa upang matuto ang mga estudyante.

Pero siyempre, ang aking pangalawang punto ay hindi magtatapos nang walang babala. Kung hindi dapat mangi-alam nang basta-basta ang paaralan sa social affairs ng mga estudyante sa social networking, ano ang puwedeng magawa ng eskuwelahan?

Bilang mga tagaturo sa mga estudyante, maaaring i-integrate ng mga paaralan ang tamang paggamit ng social networking sa kanilang mga Values/Character Education at Computer Science subjects. Kung gusto nilang i-respeto ang karapatan ng mga bata na magpahayag ng kanilang mga damdamin, kailangan silang maturuan kung paano gamitin ang social media nang may responsibilidad. Tandaan ang cliche: with great power comes great responsibility. 

Alam natin ang kapangyarihan ng social media – at ng buong Internet. Ipa-intindi dapat ng mga paaralan sa mga estudyante ang tama at responsableng paggamit ng social networking sites. Para sa akin, mas maiging turuan sila kaysa harangan sila.

**********

Ang susunod na tatalakayin sa seryeng Pagsusuri sa #STCbikini Issue ay ang naging pagtanggi ng paaralan na papasukin sa graduation rites ang mga estudyanteng apektado. Susunod din ang isyu ng moralidad at ang mga kaso na kung saan sa aking palagay ay maaaring maki-alam ang mga eskuwelahan sa paggamit ng social media ng kanilang mga estudyante.

 

 

Guien, Unplugged: How I Spent a Media Blackout, er, Holiday

I’m Guien. 16.  Always on the go when it comes to getting to know the news. Avid news-talk radio listener. Grew up watching Noli de Castro greeting “Magandang gabi, bayan” every weeknight at the 6 o’clock news. Reads the Inquirer or Manila Bulletin at least twice a week. Online almost all the time. Social media enthusiast. Perhaps a news and information addict. Opinionated tweep.

Suffice it to say that I am plugged to information and social media almost all the time. As I type this, I have five Facebook tabs on my Firefox, the Twitter app Tweetdeck is on and running, and I am listening to a letter-sending segment on a transistor radio that was bought in preparation of typhoon Juan a few years ago.

But one day, a challenge came, a challenge that involves my information and social media habits, a challenge that forces me to go away from my Facebook, my Twitter, my copy of the Inquirer, and even to my ever-reliable transistor radio.

This is my story. This is me, unplugged.

Frustrations

I have to admit, I had frustrations on the challenge, which is actually a part of a study being conducted by our college. Unplugged: the 24-Hour Challenge is a part of a research being conducted by the UPLB College of Development Communication where participants must not in any way listen to the radio, watch TV and other forms of video, read magazines and newspapers, text and call, use the computer, play in various consoles, play music in an iPod or any player for that matter, and open social media and internet.

While I can live without social media and Internet (especially during typhoons and academic hardwork nights), I had this one specific frustration. “Okay na sana, e. Bawal ang Internet, bawal ang cellphone, bawal ang TV, okay na okay na yun, e. Pero pati ba naman radyo at dyaryo?” said my raging mind. Yes, it’s fine with me to have no Internet and TV all day long but to deprive me of print media and radio access would perhaps make me insane, for these two things are so special to me; I started reading the papers when I was still a first grader, while it is through radio that I learned Ilocano and where my ambition to become a broadcast journalist came into my mind. Also, newspapers and radio are still considered primary sources of news and entertainment in rural provinces like Ilocos Norte.

Before media holiday, or blackout

The day before the media holiday was great. That day, I just arrived in my hometown, the City of Batac, from Los Baños. My family went to the mall located at the next town, and after the malling experience, I went immediately to the computer to have my final dose of social media and Internet. I argue that my Internet dosage that day was insufficient.

I vividly remember the last video that I watched before shutting down the computer at 11.59pm. It was a teaser for Mister and Miss Devcom 2012. Since the media holiday is devcom-related, I thought that the last thing that I see before 12.01am must be devcom-related as well.

The blackout

It was 12.24pm when I decided to make a memo to myself. I was supposed to write that self-memo in a whiteboard. However, there were still scribbles in the board, which date back almost a year ago. What caught my attention was my English project plan. The board shouts,

Elizabethan Sonnet ending: You should have been my haven; Unfortunately, you are taken.

Cinquains.

Mini-saga theme: No matter what happens, we’ll just be friends. Kasi torpe ako.

I reflected and became bothered. Was I really that emotional? Or was this my first miserable attempt on love-related literary works disguised as an English project? I remember that I have classmates back in high school who were not as good as excellent students when it comes to English and Filipino but were actually able to make good poems about love and heartbreaks. [I had a random-thought post about it before.]

After erasing those scribbles and writing my self-memo, I reflected yet again. I vividly remembered how I was falling for that girl who happened to be a debate teammate back then. I still don’t know why I liked her. Is that love in abstract form? I also suddenly remembered that I attempted to write a novel about my interest to her. I was able to write two chapters. Unfortunately, after a few months, the Microsoft Word file containing the two chapters was corrupted.

I was then tempted to get my cellphone and play After the Love has Gone by Earth, Wind and Fire. But I remembered it was a media blackout day. Sigh. I just sang it by myself. It’s good it did not rain. I then went to dreamland.

I woke up at 12.19nn. I thought it was going to be a lazy day when I suddenly remembered that I have to go to the City Health Office in order for me to have my interview schedule fixed. My mother was also forcing me to have my hair cut. These mean that I have to go to sentro [this is how Ilocanos call what Batangeños and Los Bañoseños call bayan], where I would be surely exposed to media. My mind was asking, How the heck would I avoid media today when I’m going an area where media is abundant?

At 1.02pm, I have realized that I was not able to print the final set of questions for the expert interview for DEVC11. That means I have to use the computer. That means that I have to violate the media blackout. I’m dead, said my blacked out mind. But it’s for an emergency and thus I suppose the reason is valid.

It was almost 1.35pm when my mother and I arrived at the sentro. The hair salon where we were supposed to have my haircut had its telly on. I’m dead, again, my mind shouted. My hair cutter was not around, and so we have to wait for him to arrive. However, since I have to get to my scheduling immediately, we decided to transfer to another salon instead. “Okay lang ma kahit saan, pare-pareho namang naka-on ang TV sa mga yan. Pare-parehong mawawasak ang (no-media day) ko” I told mom.

After having my haircut, at 2.52pm, I went to the City Health Office to have my interview with the city’s head health officer set. After that scheduling, my mom and I decided to have a snack at an eatery.

I arrived home at 3.51pm. I immediately grabbed my no media day diary (which actually consists of scratch long bond papers) and wrote the events that transpired while I was away from home. I also took time to read what I have already written. What took my interest was a self-reflection note about my first love and my attempt to write a novel about it. Right there I decided to write again that novel that I loved to write back then.

Right away, I took pieces of paper and a sign pen and started to write my story. My writing involves lots of reminiscing and nostalgia, for the story happened three years ago. I remembered everything that I had to do just to impress that girl, or should I say, I remembered everything that my classmates dictated in order for me to impress that girl. In fact, I have already written a blog post about it years ago, and that post would have helped me in my writing. Unfortunately, though, I am not supposed to surf the net until the next day. Now the reminiscing went a bit hard.

The whole night then consisted of novel writing. The product was a 10-page, five-chapter draft. Quite a good start, perhaps.

However, writing all night long was quite boring. I had my own deliver-me-from-the-computer moments that night, for I was tempted to turn on the computer and login to Facebook. I would just resist. But later on, the silly me decided to turn on the computer. I just fell and died, my mind screamed. Later on, I decided to shut it off.

Then the clock struck 12 midnight. My mind and heart were shouting joy as the 24-hour challenge had ended.  When the challenge was already over, I immediately watched Family Guy episodes online. Of course, there are still the typical standby Facebook and Twitter tabs. Yes, I do think that facing the computer, getting a glimpse of social media, and watching Family Guy would be a good way of getting back from today’s technology- and information-centered civilization.

Reflections

The whole media blackout day was just like living in the Amish County in one Family Guy episode. No technologies, no media; just plain life.

The 24-day media challenge was indeed a challenge, especially now that we live in a society where news just breaks anytime and is told immediately on radio and even on Twitter, where knowing one’s life can be done simply through Facebook, and where one has freedom to write, post and tweet what’s happening or what’s on his mind.

The turn of the century has been an era of technology; Internet emerged, news coverage became more aggressive than ever, social media became a channel for connection between people, and radio was (and is still) struggling to get its listeners back as they now subscribe to new media such as computers and even smartphones and tablets. No doubt this generation is now immersed in technology, and it seems that every single person in this generation cannot live without a cellphone at one hand and a mouse in the other.

Information can arrive anytime. I remember the news that Osama Bin Laden died; I knew about it through a news channel’s breaking news bulletin. I was aware of the Japan earthquake last March through Twitter. I knew through Facebook that two of my classmates broke up when the guy changed his relationship status to single. The fast pace of information causes us to be attached to various channels that give us information, such as radio, television, cellphones, and the Internet. This attachment will always be the salt that will make the cut with technology hurtful. Thus, the challenge being so hard for me.

I say that in today’s era, a media blackout would be impossible, unless the president declares martial law or all broadcasting facilities, publication offices, and servers are attacked by nuclear bombs and missiles. Now, it really seems that we cannot avoid being exposed in media, for there are radios and televisions anywhere, and almost everything can be seen, read and watched by clicking a few buttons and links. It is not questionable, however, that if you don’t have a transistor radio, you are really immersed in a media blackout during electricity-cutting typhoons.